HECTOR'S POV
"GUMISING ka anak." Tila may umaalog sa katawan ko. Gising ang diwa ko pero di ako makabangon.
Narinig ko siyang humihikbi. "Wala na akong pakialam sa laboratoryo, wala na akong pakialam sa pagiging Reyna. Ang importante sa akin, kasama ko na ang anak ko."
Minulat ko ang aking mga mata. "Hector, anak. Ayos ka lang ba?"
"Nasaan ako?" Bumangon ako.
"Naaalala mo ba ako?" Tinignan ko lang sya. Alam kong siya ang aking Ina. Pero sa dami ng kasamaang ginawa niya, parang di ko na siya kilala.
"Ako ang Mama mo." Bigla niya akong niyakap.
Alam ko. Alam kong siya ang aking Ina. "Matagal kitang hinanap. Anong ginagawa mo sa South Kingdom?"
"Sabi sa akin nila Baccus at ng Institution, patay ka na. Akala ko talaga patay ka na. Kaya bumalik ako sa Medos."
"And you invade the South Kingdom?"
"Sigurado akong naranasan mo rin to."
"Naranasan ang ano?" Wala akong maintindihan.
"Pagtapak mo ng South Kingdom ay nabuksan ang Demonic aura mo diba. Yun ang nangyari sa akin. Nagtrigger sa akin ang maghiganti. Maghiganti sa South Kingdom kaya nagawa ko ang lahat ng ito."
Dahil sa nagtrigger sa kanyang Demonic Aura? Kaya nagawa niyang ipa-massacre ang pamilya ni Choey?
Hinawakan ko ang balikat niya. "Naiintindihan ko epekto ng Demonic aura pero... kailangan mong pagbayaran ang mga kasalanan mo. "
Umiling siya. "Hindi. Hindi maaari. Kailangan kong buhayin si Draco."
"Bakit? Bakit kailangan mong buhayin ang nagpapa-lala ng Demonic aura ng mga taga South Kingdom? Bakit?"
"Kase ---"
Bigla siyang nawalan ng malay. Anong nangyari?
"KUYA HECTOR !" tawag sa akin ni Le Anne habang kinakaway ang kutsilyo niyang may pampatulog. "Pasensya na kung kelangan ko siyang sugatan ha."
Mukhang nagets ni Bianca na may pinag uusapan kami ng aking Ina. "Wrong timing ba kami?"
"Paano niyo kami nahanap --" naputol ang sasabihin ko ng biglang lumundag sa akin si Mikka.
"Kinuha mo ang kwentas ni Le Anne diba?" Nakangiting sagot niya sa akin.
Nagulat naman ako nang biglang may nagkapkap sa likod ko. "Nasan na ang kwentas ni Le Anne. Ibalik mo na yung kwentas niya."
Ooohhh. I get it now. Na-track nila ang location ko gamit ang kwentas ni Le Anne na hiniram ko para hanapin si Alfred.
Pero nagamit nila to para hanapin ako. And they used Mikka's jumper magic para makarating kaagad dito.
Napangiti nalang ako sa talas ng diskarte nila.
Pero nakaka irita itong kanina pa kumakapa sa katawan ko e. Inabot ko nalang ang kwentas ni Le Anne sa nangungulit na si Alfred.
"Isuot mo na ulit. " sinuot naman ulit ni Alfred kay Le Anne ang kwentas.
Habang si Le Anne naman ay pinagmamasdan ni Le Anne ang Mama ko na pinatulog niya. "Naaalala kaya ako ng Mama mo Kuya Hector? Parang di ako makapaniwala na naging masama siyang Reyna."
"Sabi niya, nagtrigger ang Demonic aura sa kanya dati nang pumasok siyang muli sa South Kingdom."
"Ha? Paano nangyari yun?" pagtataka ni Bianca. "E diba nga kaya may Demonic aura ngayon dahil sa kanya? Dahil binubuhay niya si Draco?"
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...