Chap. 56: ROYALTIES OF EAST MEDOS

882 28 0
                                    

BIANCA'S POV


"NARITO na po kami" bati ko sa mga Hari nang makarating kami sa salo salo, kasama si Hector at pekeng Alfred. 


"Totoo palang may problema ngayon si Le Anne, kaya ba hindi niyo siya sinama?" Tanong sa akin ng aking Ama.


"Opo" sagot ko nang makaupo kaming tatlo.


"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Hector.


Nginitian ko siya. "Oo naman. Medyo depress lang ako. Nasasayangan kas ako tatlong plano na hinanda ko kaninang umaga. Mukhang walang masusunod sa mga yun."



"Tell me Bianca." Bigla siyang naging seryoso. "Ano ba talagang plano mo para mapigilan ang kasal natin?"

Napangiti ako sa tanong niya. "Tatlong plano ang nasa isip ko. Pero di ko alam kung uubra."

"Tatlo? Nakaisip ka na ng tatlong plano?" ulit niya.

"Plan A. The PALUSOT. Sasabihin kong kasintahan ko si Hector na Prinsipe ng East Kingdom at gagawa gawa ako ng kung anong dahilan para isipin nilang nagmamahalan kami ni Hector."

"Paano kung kay Hector ka naman ikasal?"

"Kung makacancel ang kasal natin, kailangan pa nilang maghintay ng anim na bwan bago sila magplano ng susunod na kasal ko. Bago pa mangyari yun ay magpapanggap na kami ni Hector na naghiwalay bago pa planuhin ang kasal namin."

"E paano kung di natin makita si Hector? O kung makita man natin siya paano kung di siya pumayag?"

"Edi proceed to Plan B. The CONFRONTATION. Sasabihin ko na ayaw ko sa iyo. Makikipagtalo ako sa aking Ama para mapigil ang kasal natin."

"If they insist?"

"Plan C. BOYCOTT. Guluhin natin ang kasal."




"Pero nagbago ang mga plano dahil sa sitwasyon ni Le Anne. Hindi ko ito inaasahan. Hindi ko na nakausap ang mga magulang namin bago itong salo salo."

"Hwag kang manghinayang. Malay mo may magandang dahilan kaya hindi mo magamit ang mga iyun. Di natin alam baka maya-maya"y makaisip ka ng mas magandang plano. Di mo naman kami dadalhin dito kung wala kang maisip diba?"

"Salamat Hector."

Ito ang tradisyon na salo salo bago ikasal ang mga Prinsesa at Prinsipe sa Medos. Lahat ng maharlika ay nandito. Ang salo salong ito ay pinapanood ng buong East, North at West Medos. May mga camera at mga Reporter sa paligid.

Kung cover ito ng buong Medos, tama lang siguro na ipaalam ko sa kanila ang totoo. Kapag ginawa ko yun, hindi na nila ipipilit ang kasal na ito.

"You"re smiling. May naisip ka na?" tanong niya ulit sa akin

Tumango ako. "Oo. Salamat at pinahinahon mo ako." I got a nice idea."I can manage. Just watch." Pumunta ako sa stage at kinuha ang mic.



"Magandang Gabi sa inyong lahat." mukhang nakuha ko rin naman ang atensyon nang lahat ng nandito. "Gusto ko po sanang magpasalamat sa lahat nang narito, Salamat sa inyong pagdalo. Batid natin ang kalagayan ng Medos ngayon. For some reason, umiigting ang Demonic Aura na nagpapalakas din sa mga Black Magic ng South Kingdom hanggang sa hindi na nila ito makontrol."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon