BIANCA'S POV"HECTOR?" tawag ni Le Anne nang magising siya sa kama. Habang kami naman ni Hector at Alfred ay nag uusap sa labas lang kwarto. "Hector, nasaan ka?" Bigla siyang lumabas ng kwarto.
Hector? Bakit hindi Kuya Hector tawag niya kay Hector.
"Good morning Lee." nakangiting bati sa kanya ni Hector.
"Kumustang pakiramdam mo?" tarantang tanong ni Le Anne sa kanya. "Masyadong malakas ang landslide na pinigil mo kahapon. Siguradong maraming kapangyarihan ang ginamit mo."
Napakamot pa ng ulo si Hector. "Maayos na ang pakiramdam ko. Salamat sa iyo."
"Pero wala akong nagawa para sa iyo. Kasi hindi ko na magamit ang kapangyarihan ko. . . "
Kapangyarihan? Ang healing magic niya? Nawawala?". . . Hindi ko alam kung bakit pero hindi gumagana ang kapangya---" bigla siyang napalingon sa amin ni Alfred.
Mukhang ngayon niya lang kami napansin. Nginitian ko siya. "Kumusta ka na?"Ngumiti siya sa akin. "Hi. Ako si Le Anne. Kaibigan ba kayo ni Hector?"
ARUUYY! Confirmed.
Hindi nga niya kami kilala. Gayunpaman, todo ngiti pa rin ako sa kanya. "Ahm ako pala si Bianca." Nakipagkamay ako sa kanya.
Napalingon siya kay Alfred. "Anong pangalan mo?"
Hindi kaagad kami nakasagot. Ayon nga pala sa rules ng coin. Bawal banggitin kay Le Anne ang pangalang Alfred. Paano ba ito?"Ako si Le Anne. Anong pangalan mo?" ulit ni Le Anne pero nakatingin lang sa kanya si Alfred. "Uhm, kaibigan ka ni Hector diba?"
"Una sa lahat, hindi ko kaibigan si Hector." Napakunot noo si Le Anne sa sagot ni Alfred. "Unfortunately we have common set of friends. Pangalawa ang pangalan ko ay--""Pol!" Biglang sabi ko. Bigla ko kasing naalala na Alfred Pol nga pala ang name ni Alfred. Nasanay lang kaming tawagin siyang Alfred. "T-Tama. Pol nga. Siya si Pol."
"Nice meeting you Pol. " makikipagshake hands sana si Le Anne kay Alfred nang
.
.
.
Biglang tumalsik si Alfred.
"Anong nangyari?" nilapitan ko si Alfred. "Ginamitan mo ba siya ng lightning magic?"
"Ofcourse not!" madiing tanggi niya. "Bakit ko naman yun gagawin sa kanya?"
Nagulat ako nang biglang lumabas ang coin mula sa bag ko."Lee?" Rinig naming tawag ni Hector.
Nagfreeze si Le Anne? Tila nabalutan ng nagbiblink na pulang liwanag.~~~
Coin Ala Genie Warning
Hindi pwedeng hawakan ni Alfred si Le Anne. If ever a lightning will strike Alfred.
So Alfred should maintain distance to her.
~~~
"Kalokohan!" sigaw ni Alfred. "Hindi mo ko mapapalayo sa kanyang barya ka!" Tinangka niyang hawakan ang coin ngunit bigla na lang itong bumalik sa bag ko."Eh?" Biglang nagbalik na si Le Anne sa dati. "A-anong nangyari?"
"Uhm Le Anne." Isip ng palusot Bianca. Come on. Maiksi pasensya ni Alfred. "Kinagagalak ka ring makilala ni Pol. Mukha lang siyang masungit at walang modo pero mabait siya. Promise."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...