[[[ SA EAST KINDOM PALACE . . .
BIANCA'S POV
"DAHAN DAHAN lang po." Inaalalayan ni Hector ang kanyang Ama hanggang sa maka upo ito sa pinakamataas na upuan. He's the King after all.
Nakumbinsi ko si Prof. Thurston na sabihin sa amin ang tungkol sa digmaan na walang nakaka alala kundi siya. Kung bakit siya lang? Hindi rin namin alam.
Malalaman namin kapag nagsimula na ang kwento niya...
"Salamat anak." Pasalamat ng Hari kay Hector saka bumaling kay Prof. Thurston. "Magandang umaga sa iyo Professor."
Nginitian siya nito. "Natutuwa akong makita kang muli matapos ng matagal mong pagkawala. Naaalala mo ba ako?"
"Hindi malinaw, pero alam kong naging guro ka namin ni Freda sa Medos School of Magic sa West Kingdom." Sagot ng Hari.
"Talaga palang wala kang maalala tungkol sa mga panahon na iyun?" Tanong muli ni Prof. Thurston pero mahinang iling lang ang naisagot ng Hari.
"Wala talaga e." Napapaisip pa rin ang Hari.
"Hindi ko inaasahan na darating ang panahon na may magtata-tanong tanong tungkol kay Draco at sa Dark War." Lumingon sa akin si Prof. Thurston. "Kung di dahil sa iyo Bianca, ayoko na sanang muling balikan ang nangyari noon."
Lumingon siya sa malaking pader. "Masyado na akong matanda para ikwento kaya ipapasilip ko nalang sa inyo ang ilan sa mga ala-ala ko."
Pumitik siya sa sintido niya at tila may hibla ng tela syang hinugot sa gild ng kanyang ulo saka niya ito tinapon sa pader at nagmistulang projector ang pader.
Tila isang malaking monitor.
(Isa sa mga paborito kong estudyante si Draco. Isa syang henyo pagdating sa anumang uri ng mahika. Noble Prince of South Kingdom.)
"Noble Prince?" Sabay sabay namin tanong.
(Tama kayo ng narinig. Si Draco ay Prinsipe ng South Kingdom. Anak ng Haring Alcott at Reyna Hessia.)
Haring Alcott? Sino yun?
"Si Mama nung bata pa siya." Sabay turo ni Alfred sa batang naka-uniform ng Medos School of Magic. Si Reyna Freda nung kabataan niya.Teka. Sila yung nasa panaginip ko ha... Ibig sabihin, Si Draco ang binatang kausap ko sa panaginip ko?
(Senior siya ng kambal na Freda at Hercules sa eskwelahan. Dalawang taon ang tanda niya sa kambal.Naging matatalik silang magkaibigan. Silang tatlo. Sila ang pinakamagaling na wizard na naging estudyante ko.
Pero nagbago ang lahat nang mamatay ang Hari ng South Kingdom.
15-taon gulang si Draco nang mamatay ang kanyang Ama at Ina. Kasabay nun ang pagkawala ang 8-taon gulang na bunso nilang anak na si Thorie.
Pumalit sa trono ng ang kapatid ni Haring Alcott na si Philip. Ang Ama ni Phineo.)
"
Ang komplikado na." Napakamot na ng ulo si Le Anne. "Malapit na akong ma-brain dead. Madrawing nga." Saka ito nagdrawing ng Family tree.
(Mula noon, hindi na bumalik si Draco sa palasyo at hindi na rin nakita ang bunso niyang kapatid.
Sina ilalim ko si Draco sa counselling para may makausap siya sa pinagdadaanan niya.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...