Chap 32: JOURNEY BEGINS, TROUBLE WAITS

1K 37 4
                                    


LE ANNE'S POV


"AALIS na po kami Papa." yumakap ako kay Papa. 



Uwaah parang naiiyak ako.



Ayoko nang mga ganitong eksena sa Airport.



Parang mag aabroad naman ako. 



Hmpf.



Hinatid kami nila Papa at Tita Sarah sa airport.



"Ikaw din. Mag iingat kayong lahat. At wag matigas ang ulo dun ha." bilin ni Papa.



Inabot niya sa akin ang hinliliit ng kanang kamay niya. 



At inabot ko rin iyun ng kanang hinliliit ko. 


Tanda iyun ng promise namin.



"Promise po Papa. Hindi magiging matigas ang ulo ko at babalik ako dito na kasama si Mama." bumaling naman ako kay Tita.



"Very Good." ginulo niya ang buhok ko. Bumaling naman ako kay Tita Sarah.



"Salamat po sa lahat Tita."



"Tandaan mo lahat ng tinuro namin ha. Pakisapak ang Mama mo para sa akin." at niyakap niya ako.



"Tignan ko po kung kaya kong gawin yun. Heheh Basta hintay lang po kayo. Babalik kami."



Tumakbo ako palapit kina Jinky.



"Alis na po kami! Salamat po!" sabi nila Jinky nang marinig na ang tawag ng flight namin.



"Lee." nagulat na lang ako na hindi ako nakarating sa pwesto nila Jinky. Nasaan ako? Pagkalingon ko ay nakahawak si Alfred sa balikat ko at nakatago kami sa isang poste na hindi kalayuan sa pwesto ng mga kasama namin.



"Mag iingat ka." bigla niya akong niyakap at hinalikan sa noo.



Huh?


The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon