Book 2 - Chap 18 : RESURRECT

509 10 1
                                    

BIANCA'S POV

"LE ANNE!" nasalo ni Basteh si Le Anne na nawalan ng malay.

Lumapit sa kanila ang Mahal na Haring Albert. "Mukhang nawalan lang siya ng malay."

Siguro bunga ito ng pagcast ng spell ni Choey kay Alfred.

Naalala ko, sabi ni Le Anne, tuwing naka-cast ang spell para mawala ang Demonic aura sa aming mga royal warrior ay nakakahagip siya ng ilan sa mga ala ala namin.

Napalingon ako sa archive monitor kung saan pinapakita sa amin nito kung anong nangyayari kina Choey, Hector at Alfred. Nagawa na nilang i-immobilize si Alfred at nagsisimula na si Choey na tanggalin ang Demonic aura ni Alfred.

"ANO YUN?"

teka. Anong nangyayari kina Hector? Isa isang nagsi sulputan ang mga nakaitim na lalaki. Halatang taga South Kingdom ang mga ito.

Maya maya'y lumitaw si JR sa likuran ni Choey. "Po-protektahan ko si Choey hanggat di pa natatapos ang ginagawa niya kay Alfred."

Si JR?

Teka. Akala ko ba ispiya siya ng South Kingdom sa grupo namin. Nakakasama nga ng loob e. Di ko man lang nahalata. SBuong akala ko ay tapat ko siyang tagapag silbi. Hindi ko matanggap na ako ang nagpasok ng ispiya sa grupo. At ngayon, pinaslang pa niya si Jinky.

Anong ginagawa niya dun?

"Anong nangyayari JR?" tanong ni Hector habang nakikipaglaban sa mga sumusugod sa kanila.

Well, obviously, easy lang sa kanya ang mga kalaban nya. He is the strongest Medo i know.

Nakaagaw sya ng espada at ito ang ginagamit niya para labanan ang iba pa.

"Bakit mo ba sila tinutulungan JR?" Teka, pamilyar ang boses na yun ha.

"Dahil namatay si Jinky sa kagagawan mo Enzo." Sigaw ni JR sabay tingala sa taas.

Enzo? Buhay pa si Enzo?


Masama ang tingin ni Jr sa kanya. "... At hinding hindi kita mapapatawad na ako pa ang ginamit mo para gawin yun."

"JR, di mo na napapansin na nanlalambot ka na dahil sa taong yun. Dapat ngay bumalik ka na sa pagiging sundalo." sumugod si Enzo kay Hector.

Nakaiwas si Hector sa atake ni Enzo at pinatamaan ito ng fireball sa sikmura dahilan para mapatalsik siya.

"Utos ng Mahal na Reyna na dakpin kayo ni Choey kaya mag iingat ka."

Mahal na Reyna? Ang Reyna ng South Kingdom? Ang Ina ni Hector.

Si Hector --

Baka --

Hindi pwede --

" HECTOR ! " sa isang iglap, tila sumapi ako sa fairy ko at nandun ako lugar kung nasaan nila.

Tila nawala si Hector sa sarili sandali nalapitan na siya ni Enzo ng di niya namamalayan.

Nagulat na lang kami nang biglang humarang si Jr kay Enzo at siya ang nasaksak nito.

Anong nangyayari?   

Paanong?

"K-kailangan ka ni Prinsesa Bianca sa tabi niya." parang hirap na hirap na sabi ni Jr kay Hector. "Kaya hwag kang magpapahuli Hector."

"JR, bakit mo --" natigilan din si Enzo nang isaksak sa kanya ni JR ang espadang hawak niya. saan niya nakuha iyun?

"Kabayaran yan sa ginawa mo kay Jinky." Nakangiting sabi pa ni JR.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon