Chap 4: ESCAPE

2.5K 83 0
                                    



HECTOR'S' POV


"HINDI pa po nakakarecover ng kapangyarihan ang mga Medo." sabi sa akin ni Hanna na isa sa mga staff ko.



"Kung ganun, wala munang experiment na magaganap ngayon. Hayaan muna natin ang mga Medo na magpahinga." tugon ko sa kanya habang tinatanggal ang posas sa kamay ni Le Anne.



"Hector, kailangan nating mag usap. . ." biglang sabi sa akin ni Baccus. ". . . ng tayo lang dalawa."



Naiirita ako sa kanya. Kung pwede ko lang siyang sapakin ngayon, gagawin ko. "Hintayin mo na lang ako sa Conference. I-escort ko pa ang bagong Medo." bumaling ako kay Le Anne. "Pwede mo bang pakainin ang babaeng Medo."



"No problem." Sagot niya sa akin saka sya nagtungo sa controller ng capsule. At si Baccus naman ay nagtungo na sa conference.



Sinabit ko na si Sebastian sa hook na papunta sa capsule ng mga lalaking Medo. Hinihintay ko nalang na mabuksan ni Le Anne ang capsule ng babaeng Medo para maisabay ko ang pagbukas ng mga capsule.



Nang mabuksan na ni Le Anne ang capsule ni Bianca ay sinabay ko na ang ang pagbukas ng capsule ng ibang Medo. 


Gaya nang napag usapan, pinasabog na ni Le Anne ang pinlanta niyang paputok sa main switch kanina. 


Dumilim ang buong paligid. 


Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko pero kita at ramdam ko ang mga nangyayari. 


Nakawala si Sebastian sa pagkakaposas ko. Sinadya ko naman talaga na hindi iyun ilock e. 


Kinuha niya si Bianca at ang kahon ng mga Materia saka pinasok sa capsule ng mga lalaking Medo at doon, bigla na lang silang nawala.




"Kuya Hector, tagumpay ang pagtakas nila." rinig kong bulong ni Le Anne sa akin. 



Nakafocus ako kay Sebastian kaya hindi ko na napansin si Le Anne. 


Mabuti na lang at kusa siyang lumapit sa akin. 


Kinuha ko ang Materia na naitago ko at pinasok ko iyon sa kanyang braso. 


Ang Materia ay crystal ball na kapag ginamitan mo ng life force ay kusang iaabsorb ng katawan ng tao ang laman nitong kapangyarihan.




" A-ano to?"

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon