Chap 3: OPERATION BEGINS

3.1K 84 0
                                    

ALFRED'S POV


"BANSOT!"


Napabangon ako. 



Namataan ko ang sarili sa kama ko. 



Grabe namang panaginip yun. 


Napanaginipan kong, sumama si Bansot kay Hector at iniwan kaming lahat. 


Bakit ba hanggang sa panaginip ko, binubulabog ako ng Bansot na yun? 


Pansin kong matindi ang sikat ng araw sa bintana ko. 


Bakit? Anong oras na ba? Anak ng... Alas nwebe na?



Nasaan na sina Basteh at Le Anne? 



Bakit di nila ako ginising? 



Alas otso ang usapan ng paghatid namin kay Basteh. 



Mabilis akong nakapagpalit ng damit. 



Bigla kong naalala ang usapan nila Hector at Le Anne kahapon. 



Natatangi ang lakas ng pandinig ko kaya kahit malayo sila sa akin kahapon, malinaw kong narinig ang usapan nila.




Niyaya ni Hector si Bansot na talikuran kaming mga Medo. 


Kung di tuloy ang plano namin kagabi, nasaan na sila? 




Di kaya.

.

.

.

.

.


sumama ang Bansot na iyun kay Hector? 





Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko si Hector na kakahinto lang sa paglalakad. 




"Nasaan si Le Anne?" sabay naming tanong.



"Hindi mo siya kasama?" sabay ulit naming tanong. 

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon