Chap 51: HERO OF THE EAST

953 33 0
                                    


ALFRED'S POV



"ANONG sabi niyo?" napasigaw ako sa nireport sa akin nila Basteh. "Anong ibig niyong sabihin na hindi niyo siya nakita?"



"Huminahon ka Alfred." Awat sa akin ni Bianca. Kakatapos lang namin sa isang kalokohang rehearsal at kakatanggal lang nila barrier na naglilimita ng mga magic namin kaya ngayon lang namin nakausap sila Basteh at JayR na kakagaling ng East Kingdom.




"Paumanhin po Master." paumanhin ni Basteh. "Pareho po kaming nawalan ng malay nang magliwanag siya kanina. Paggising namin ay wala na siya, kahit ang transmitter na dinikit namin sa bag niya'y napulot na lang namin kung saan."




"Mababaliw na ako sa pag aalala." Nawasak ko na pala ang mesang kanina ko pa nasusuntok. "Nasaan ka Lee?" Napahawak ako sa kwentas ko. Bigla kong naalala.



"Okay ka lang Master?" - Basteh



"Bakit tumatawa ka Alfred?" - Bianca.



Natawa ako bigla sa sarili ko. "I'm so stupid." Nagkatinginan silang tatlo. Kaya naisipan ko na lang i-explain bakit ako natawa. "Ilang beses na kaming naghanapan ni Le Anne, ni minsan, di ko man lang naisipang gamiting tong kwentas namin."



"Ha? Anong meron sa kwentas niyo?" tanong ulit ni Bianca.



"May transmitter din ang kwentas na niregalo ko sa kanya." Confident na sabi ko. "Kahit makapal ang suot niya kanina, sa iksi ng buhok niya, nakita ko, suot niya ang kwentas na bigay ko sa kanya."



"Ayos! May pag asa pa tayong makita sila." singit ni JayR.




Natigilan kami nang makitang pumasok sa Rehearsal Hall ang aking Ama.


Lahat sila'y yumuko sa pagdating niya, liban sa akin. Ahahaha Di talaga ako ganun kagalang sa kanila. "Aalis kami maya-maya." Prenteng sabi ko.



"Saan ka pupunta?" tanong niya rin sa akin.




Napaisip ako sandali.



Kailangan ko nga palang magpanggap na hiwalay na kami ni Le Anne. "Susunduin namin ang mga importante naming bisita ni Bianca sa kasal."




"Saan?" - siya



"East Medos." - ako



"Nandoon si Le Anne ha." – siya.


The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon