BIANCA'S POV
"NARITO na po ang listahan ng ating Top 5!" sigaw ng host na nagpahiyaw sa audience.
Ang iba ay sinisigaw ang pangalan ko. At naririnig ko rin ang pangalan ni Le Anne.
Kaming sampung contestants naman ay nakatayo na sa kanyang likuran ng host.
Sa naririnig kong cheer ng audience. Sigurado akong makakapasok kami ni Le Anne. This competition is certified showdown between me and her.
"Number 10." Rinig kong sabi ng host. As expected. I'm in.
Kumaway ako habang naglalakad sa harapan ng stage.
"Number 20". Le Anne moved forward at tumabi siya sa akin.
Sabi ko na nga ba, makakapasok siya.
Well and good. Wala nang saysay ang kompetisyon na to kung hindi siya makakapasok kahit man lang sa Top 5.
Napalingon ako sa kanya, pagtabi niya sa akin. Nginitian na naman niya ako.
What's that?
Kanina pa siya nakatingin sa akin sabay ngiti.
Bigla akong kinilabutan.
Napalingon ako sa direksyon nila Jinky. Katabi niya si Choey at may sinasabi siya dito habang nakatingin sila sa akin.
Malamang hindi ko sila marinig. Nasa malayo sila e. Nasa stage ako.
Nagkatitigan kami at seryoso silang nakatingin sa akin. Di ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tingin nilang yun pero parang may pinaplano silang dalawa.
Di ko alam bakit parang kinakabahan ako sa dalawang to. Iba kase ang combination nila e.
Isang Aura Reader, Jinky. At isang Cast Speller, Choey.
Anong pinaplano nila?
"For our next stage of competition. . ." napalingon ako sa hilera namin. Kompleto na pala ang Top 5.
Wala kase akong pakialam sa tatlo pang contestants e. Ang importante sa akin, ang laban sa pagitan namin ni Le Anne.
"Matetest dito ang husay niyo sa pagsagot." Pagsagot? Question and answer na ba? "Hindi ito Question and Answer."
E ano?
"Ito ay Debate!" excited na sabi niya dahilan naman para magtaka na naman ang mga audience.
Kanina pa itong pa-puzzle na competition nila ha. Hindi nga talaga ordinaryong patimpalak ang Idol of Youth.
Alfred made this no ordinary competition.
"Hindi naman ito yung debate kung saan kailangan nyong pumanig sa kung saan. Para itong collaboration." paliwanag nang Host habang isa-isa nila kaming inaabutan ng mic. "Nag uusap lang kayo tungkol sa mga kabataan at paano niyo maiimpluwensyahan ang mga kabataan. Ito ay tagisan ng inyong prinsipyo at pananaw at hindi lang basta talino. Pupuntusan kayo base sa inyong mga nasabi kaya bawal ang mahiyain. Kapag wala kang nasabi. Wala kang puntos. Kung nagsalita ka nga, pero may masabi lang at di kasama sa usapan. Wala ka ring puntos."
Woaah. That's great. Hindi siya isang tanong at isang sagot.
Parang sagutan lang namin ni Le Anne.
"You have 15 minutes for discussion and Timer starts now."
"Laganap ang kriminalidad at karahasan ngayon na madalas kinabibilangan ng mga kabataan." panimula ko. "Kung gusto natin ng pagbabago sa kanila, magandang simula ang competition na ito para bumuo ng grupo ng mga mangunguna sa pagbabagong ito. . ." - I know, hindi ka basta tatahimik Le Anne. Lalo na kapag pinunterya ka na. "Isang grupo ng mangunguna, at hindi i-encourage sila sa pagkakanya kanya."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...