BIANCA'S POV
"MISS BIANCA" tawag sa akin ng host. Habang inalok sa akin ang container na puno ng nakatuping papel. "Kailangan niyo pong bumunot dito. Aalamin natin kung anong masasabi ng mga kapwa mo contestants or judges sa iyong performance."
Bumunot nga ako. At sa tulong ng mga little fairies ko, alam kong anuman ang numerong nabunot ko ay napagswitch na niya iyun sa ibang papel para maging number 20 ang nakuha kong papel.
Iniabot ko sa host ang papel na nabunot ko. Sinilip niya sandali ang papel. "Anong masasabi mo sa performance ni Miss Bianca. . ." lumingon ito sa mga contestants. ". . . Number 20 - Le Anne?"
I knew it.
Now Le Anne, tell me how great I am.
Binigyan siya ng microphone at nakatingin lang siya sa akin.
Gusto kong sa iyo manggaling.
Manggaling sa mga labi mo kung gaano kalayo ang agwat nating dalawa.
Sabihin mo.
Muling nagsalita ang host. "Ipagpalagay natin na hindi kaya ng isang Reyna ang maging gaya mong survivor, Miss Le Anne. Anong masasabi mo sa character ni Miss Bianca?"
Bigla siyang ngumiti. "Natural lang sa isang Reyna ang hindi makasurvive mag isa dahil siya ang pino-protektahan ng kanyang mga tauhan. . ."
What the...
Minamaliit ba niya ako dahil kailangan pa akong protektahan ng iba?
Dahil ba hindi ko kayang protektahan ang sarili ko, magsasalita na siya ng ganyan.
". . . Pero wag po kayong mag alala Mahal na Reyna" baling niya sa akin. " Hindi mo man sila maprotektahan sa pamamagitan ng pakikipaglaban ng pisikal, kaya mo naman silang protektahan nang hindi ka lumalaban. Sa pamamagitan ng pagpili ng Tamang desisyon."
"Nice answer, Miss Le Anne."
Parang natigilan ang isipan ko at nawala sa ulirat.
Oo nga't pinaupo na nila ako sa hilera ng Top 10. Pero parang wala ako sa sarili.
Bigla kong naalala ang mga oras na . . .
~~~ pinakilala siya sa akin ni Mang Leonard.
"Siya nga pala Lee. Eto si Bianca. Ngayon lang kayo nagkaroon ng pagkakataon magkakilala di ba?" baling sa kanya ni Sir Leonard. Nakaupo kami sa paanan ng kama habang si Le Anne naman ay nahulog sa sahig kanina habang natutulog.
"Ah opo." bumaling siya sa akin at ngumiti sa akin. "Okay ka na ba? Noong isang araw kasi, punong puno ka ng galos nang ipagamot ka sa akin ni Kuya Hector."
That smile. That innocent smile she always wearing.
~~~At nang malaman niyang under attack ang barko, that innocent smile turned to wild and fierce face.
Pero bago pa siya makalabas ng kwarto ay naharang na siya ng barrier at napabagsak sa sobrang lakas ng pagkaka-umpog.
Lumapit sa kanya si Mang Leonard. "Sa kalagayan mo kanina, hindi mo rin kayang makipaglaban. Mas okay na yung magpahinga ka muna." Inalalayan siya nito pabalik sa kama. "Kaninang umaga ka pa umaatikabo sa aksyon e. Hayaan mo na muna sila."
Di ko maiwasang titigan siya. Sa liit niyang yun, nagagawa niya ang gusto niya at protektahan ang mga mahalaga sa kanya. "Nakakainggit ka naman."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...