Book 2 Chap 2: WARRIORS OUT OF MEDOS

782 19 0
                                    

ANNIE'S POV

"MALAPIT na po ba tayo?" rinig kong tanong ni Leonard sa driver ng taxi. Nakaupo siya sa tabi nito.

"Malapit na po." maiksing sagot nito

Napalingon siya sa amin na nakaupo sa likuran ng driver's seat. Katabi ko si Jinky at Le Anne. Lahat kami ay tahimik at kinakabahan.

Isang tawag ang natanggap namin kagabi na nagsasabing nasa hospital daw si Sarah dito sa Cebu. Agad kaming nag ayos ng flight at nakarating na din sa Cebu. Dumiretso muna kami sa hotel para iwan ang mga gamit saka pumunta ng hospital.

Nang marinig ko ang balita, halos mangiyak ngiyak na ako. Pero naisip ko si Le Anne. Si Sarah na ang tumayo niyang Ina habang wala ako. Siguradong sobrang depress siya ngayon.

Ramdam naman ni Leonard ang kaba namin kaya kahit papano ay tinatanggal niya depression sa paligid. Alam niya kasing hindi ito makakabuti sa pagdadalang tao ko.

"Uhmm Annie, sino na nga ulit si Francia?" tanong ni Leonard.

Napaisip ako. "Hindi niyo pa ba siya nakikilala?"

"Hindi pa." Sabay na sagot ni Leonard at Jinky.

Naalala ko yung nakwento ni Sarah bago siya umalis. Si Francia ang nagtrain kay Le Anne noon at ni minsan di pa siya nakita nila Leonard. Kung ganun walang nakakaalam na taga Medos si Francia dahil wala ding maalala si Le Anne. Mas makakabuti sigurong di na muna nila malaman.

Napabuntong hininga ako. "Si Francia ang Master ni Sarah sa Martial Arts."

"Andito na po tayo." Biglang sabi ng driver dahilan para biglang tumakbo si Le Anne. Dahil ako ang hindi makatakbo ng mabilis, si Leonard na ang humabol kay Le Anne habang si Jinky naman ang naka alalay sa akin.

"Sarah Allison. Saan po naka-confine si Sarah Allison?" Apurang tanong ni Le Anne sa reception.

"Kaano ano po kayo ng pasyente?" tanong ng isang nurse.

"Bakit kelangan niyo pang tanungin yan?" asar na tanong ni Le Anne.

Hinawakan ni Leonard ang balikat ni Le Anne para huminahon ito saka bumaling sa nurse. "Bayaw niya ako. At heto ang pamangking niya. Kasama rin namin ang kambal niya."

"Saang kwarto na po?" atat ni Le Anne.

"Room 211 po." sagot nila.

Nang maabutan namin sila ay diretso na kami sa hagdan at nakita ang Room 211. Naroon din si Francia na nagbabantay sa kanya.

"Sarah." Agad akong lumapit kay Sarah na walang malay. Puno siya ng benda mula leeg hanggang braso.

"Lapnos ang halos kalahati ng katawan niya. Nagawan na ng mga Doctor ang paraan ng mga sugat niya pero di pa rin siya nagigising mula pa kahapon." rinig naming sabi ni Francia.

"Paano po nangyari ang ganito kay Tita Sarah" Napatingin ako kay Le Anne at nakatulala lang siya kay Sarah na nagtanong kay Francia.

Umiwas ng tingin si Francia. "Hindi ko rin alam. Nakita ko na lang na biglang may sumabog sa lugar kung nasaan si Sarah at nadatnan ko na lang na sugatan na siya."

Napailing si Jinky. Malamang nabasa niya ang aura ni Francia. Sumenyas akong wag siyang magsalita at hayaan na lang na paniwalaan nila Le Anne at Leonard ang sinabi nito.

"Tita Sarah." Dahan dahang lumapit si Le Anne sa kama at tinapat ang kamay kay Sarah.

Don't tell me. "Papagalingin mo si Sarah gamit ang healing magic."

"Impossible" bulong ni Francia.

Biglang napaiyak si Le Anne at napaluhod. "Bakit? Bakit walang lumalabas na kapangyarihan?"

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon