Chap 10: RAIN and NATHAN

2K 60 3
                                    


HECTOR'S POV


"TANGGALIN niyo ang barrier sa silid na iyon."Napatingin kaming lahat kay Sebastian. Bumaling rin naman siya kay Alfred. Oo nga pala, si Alfred lang ang sinusunod niya.




"Master Alfred." tawag sa akin ni Sebastian.




"Hindi." mabilis na sagot ni Alfred. Ano bang balak niya? "Importante sa akin ang mga naroon sa silid na iyun kaya hwag mong tanggalin ang ang barrier maliwanag?"




Ginagalit ba niya yung pulis? "Alfred-"




"Hindi ko na matiis ang pag uutos utos nila sakin." bumaling siya sa pulis. "Kanina ka pa namimihasa." tinanggal niya ang pagkakatali sa kanya.





Masama to. Mukhang natataranta na yung pulis. Baka mapano si Hanna. "Ano sa tingin mong ginagawa mo ha? Gusto mo bang mamatay ang babaeng ito?"




"Wala akong pakialam." sagot niya.




"HAAH??" sabay sabay naming reaksyon.




"Akala mo ba hindi ko siya kayang patayin?" tinutok niya ang baril sa sintido ni Hanna. Nakalas ko na ang tali ko. 





No choice kundi, iligtas na siya. 





Bago pa ako makatayo ay laking gulat namin nang biglang natumba ang pulis na may hostage kay Hanna.




A-Anong nangyari? Nilapitan ko ang pulis na iyun at mukhang natutulog siya. Nakita ko ang sugat sa kanyang binti. Parang mababaw na hiwa ng kutsilyo. Napansin ko ang isang patalim sa sahig. 





Patalim? 




The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon