Chap 38: INTERROGATION

1K 38 0
                                    

CHI-CHI'S POV


"BITAWAN MO SIYA!" sigaw ni Lady Wendy nang makalabas siya sa selda niya habang mahigpit pa rin ang pagkakakwelyo niya sa akin. 




Sinugod ni Lady Wendy si Le Anne pero mabilis ako tinapon nito kay Lady Wendy. 



Grabe. 




Ang maliit na babaeng to? 



Kayang kaya kaming ibalibag ni Lady Wendy? 



Bumangon din naman agad si Lady Wendy at sumugod muli kay Le Anne. 



"Mamatay ka na!"





"Don't you dare!" biglang nagpakawala ng kapangyarihan si Prince Alfred. 




"Alfred, Hwag!" sigaw ni Le Anne pero huli na. 




Natamaan na si Lady Wendy ng parang kidlat mula kay Prince Alfred. 



Bumagsak si Lady Wendy. Mukhang napuruhan siya. . Lapnos at nagingitim ang mga balat. Di to maaari. Hwag sanang---




Lalapitan ko sana siya nang maunahan ako ni Le Anne. 




"Good, humihinga pa siya."  May lumabas na tila purple light sa kamay niya.




"A-Anong ginagawa mo?" tanong ko.




"Ginagamot ko siya, kaya wag kang istorbo." sagot niya. 




Ilang minutong nakatutok ang kamay niya kay Lady Wendy. 



Unti-unti ngang bumabalik sa dati ang mukha ni Lady Wendy, liban sa damit nitong gula-gulanit na.




Tagaktak ng pawis si Le Anne

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon