ALFRED'S POV
"HATING GABI na pero wala pa ring malay si Le Anne at si Mang Kolas." sabi ni Sebastian habang kinukumutan sina Reno at Ella na nakatulog na sa paghihintay.
"Ang importante buhay sila." sabi ko habang sinasandal si Le Anne sa balikat ko. Parang ayaw ko kasi siyang bitawan kahit sandali.
"Hindi ako makapaniwalang si Mang Kolas ang nawawalang Hari ng East Medos. Bago pa ako mag kaisip ay kilala ko na siya bilang kapit bahay."
"Base sa kwento ni Reno kanina, dating tagapagsilbi sa palasyo ang kanyang mga magulang at sila lang ang nakakaalam ng plano ng Hari na talikuran ang ang kaharian para sa kanyang Mag Ina." Salayasay ni Basteh.
"Pero dahil sa pagdadalawang isip ay hindi naging sapat ang kapangyarihan ng Hari at hindi siya nakarating sa mundo ng mga tao para makita ang kanyang mag Ina. Tinago nila ng Hari dahil bago pa mangyari ang lahat ay nilagyan na sila ng Curse Magic nito na walang ibang makakaalam sa ginawa ng Hari. Oras na malantad ang lihim ng Hari ay mamatay ang mag asawa." Dutgong pa ni Lovo.
"Mahikang pwedeng talikuran ang pagiging Medo." Yun ang bagay na kailangan ko para maging malaya kaming magmahalang dalawa ni Le Anne. Walang pagdadalawang isip. Magiging tao at maninirahan ako sa mundo ng mga tao kasama siya.
"What a Hopeless romantic Prince are you?" Sino yun? May narinig akong boses babaeng nagsalita?
"Long time no see Sebastian." Isang babae ang biglang lumitaw sa tabi ni Basteh.
"M-Miss Francia?" Miss Francia? Parang pamilyar sa akin ang pangalan na yun. "Kumusta po kayo? Ang tagal naing di nagkita."
"Nabalitaan ko ang tungkol sa Bubwit na to." sabay tingin kay Le Anne. "Ano nang lagay niya?"
"Mga dalawang oras na silang walang malay nung matanda." Sagot ko. "Teka, Sino ka ba?"
"Oh, where's my manners? Ito nga pala ang unang beses na magkakakilala tayo Mahal na Prinsipe" yumuko siya ng konti sa akin. Ako nga pala si Francia. Isang manlalakbay. Naging estudyante ko sa Martial Arts si Sarah, ang Tita ni Le Anne."
"Kung ikaw ang Master ng Tita niya, ibig sabihin ikaw ang nagtrain sa kanya ng tatlong araw?"
"You're right. But now it's useless." Hinawakan niya ang ulo ni Le Anne at parang pinakiramdaman ito. "Wala na talaga siyang naalala sa loob ng dalawang bwan na nagkakilala kayo. Ganun din sa nangyari mula nang magkita ulit sila ni Hector kahapon."
"Magandang balita ba yun o ano?" tanong ko?
"Depende sa iyo kung paano mo titignan ang mga bagay bagay. Para sa akin nakaka asar na makalimutan niya ang mga tinuro ko sa kanya sa loob ng dalawang bwan sa dmensyon ko. Ewan ko lang sa iyo."
"Ayos lang naman sa akin kahit di niya ako maalala. Ang importante, pwede ko siyang malapitan at hawakan." Napayakap ako kay Le Anne, animo'y isa siyang stuffed toy.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...