Chap 6: NEW FRIENDS & RIVAL

2.7K 78 0
                                    


BIANCA'S POV


"PRINCESS Bianca, sigurado po ba kayong hindi tayo gaganti sa kanila?" tanong ni JayR sa akin habang nakatingin kina Jinky, Hanna at Iza. 


Silang tatlo ang sumundo sa amin kanina sa bahay ni Mang Leonard. Kasama sila sa tinatawag na Project Medos.


"Oo. Wala naman tayong mapapala pag ginantihan natin sila. Kapag ginawa natin yun gaganti rin sila sa atin. Tapos gaganti ulit tayo sa kanila. Hindi matatapos ang girian sa mga Medo at tao kung walang magpapatawad sa atin."



"Salamat." sabay-sabay nilang sagot.




"Nice speech Ms. Bianca." biglang singit ni Hector na kakaakyat lang ng barko. 




Narito kami sa tinatawag nilang huling pier ng isla. 


Nakasakay kami sa isang pribadong barko na pagmamay-ari daw ni Hector. 


Lumapit siya sa akin pero bigla ko siyang sinampal.





"Yan ang ganti ko sa mga ginawa mo sa amin." sigaw ko sa kanya. 




Narinig ko naman na nagbubulong bulungan ang tatlong babae doon. "Akala ko ba di nila tayo gagantihan?"



"Hindi sa inyo, dahil alam ko namang sumusunod lang kayo sa mga utos nitong si Hector." baling ko sa kanila.



"I deserve this. Inaamin kong nagkamali ako. Hindi dapat ako naniwala kay Baccus. Hindi ko dapat hinayaang gawin nila iyun sa inyo. I'm SORRY." biglang siyang lumuhod sa harap ko. "I'm sorry." bumaling siya sa iba pang Medos "I'm sorry. Patawarin niyo ako."




Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon ko.


Ngayon lang ako nakakita nang ganitong ka-humble na nilalang. 


Ramdam ko ang sincerity niya. Hindi lang dahil sa pagluhod niya. 


Nakikita ko sa mga mata niya ang lungkot at ang pakiramdam ng nagsisisi. "A-Ano-"




"Sa sinabi mo kanina ay napatawad mo na sila hindi ba Princess Bianca?" napalingon kaming lahat kay Mang Leonard. 

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon