Book 2 Chap 24 : PROFESSOR THURSTON

370 5 0
                                    

BIANCA'S POV

"ANG aga mo naman magising" halos mapatalon ako sa gulat pagkalabas ko ng aking silid.

Napakunot ako ng noo sa nanggulat sa akin habang hinahabol ko pang maging normal ang pulso ko. Nakapamaywang ako kay Hector na tinapos ang pag akyat ng hagdan. "E, bakit ikaw?"

"Kakatapos lang namin magkwentuhan ni..." napakamot muna siya ng ulo. "... Papa." di ko na siya tinukso sa pagtawag niya ng Papa sa Haring Hercules. "Hindi namin namalayan ang oras e."

Naalala ko yung panaginip ko. "Mayroon ba siyang nabanggit tungkol sa Divine Wizard? Kung paano binigay sa kanila ang kapangyarihan nito."

Umiling siya. "Wala siyang naaalala tungkol sa digmaan na yun at kay Draco."

"Ganun ba?" Napabuntong hininga ako ng malalim. "E alam na ba niyang nasa atin ang Mama mo?"

Umiling siya. "Hindi. Ayoko siyang biglain."  Sa kakaisip ko ng panaginip ko ay di ko na narinig ang iba pa niyang sinabi. Hanggang sa hinawakan niya ang balikat ko. "Bakit?"

"Mayroon kase akong panaginip kanina. Hindi siya ordinaryong panaginip e." Sumandal ako sa pader ng hallway.

"Paano mo nasabi?" Tumabi siya sa akin.

"Kase hindi ko kilala ang mga kausap ko sa panaginip ko."

Pati siya napakunot noo. "Weird nga."

"Sa panaginip ko, may kausap akong binata. Hindi ko siya kilala. Mayroon ding batang babae at lalaki malapit sa kanya. At ang sabi ko pa "Mukhang kanina ka pa gustong lapitan ng Kambal."

"Kambal?"

Tumango ako. "Malakas ang kutob ko, si Haring Hercules at Reyna Freda yung tinutukoy na kambal. Mamaya, maghahanap ako ng lumang litrato ng Haring Hercules."

"Bianca, Di kaya masyado mong iniisip yung panaginip mo? baka wala namang malalim na ibig sabihin yan."

"Wala namang masama kung i-entertain ko yung panaginip na yun diba? Baka makatulong sa imbestigasyon. Ikaw ba? Nagkapanaginip ka na ba na hindi mo kilala ang mga nandun---"

Natigilan kami at parehong napatingin sa nagbukas na pinto sa dulo ng hallway. Parang di rin kami napansin ng mga lumabas doon. 

Until Hector yelled. Hindi ko alam kung ano at paano o saan kinuha ni Hector ang pinambato kay Alfred.  "HOOY!"

Nakaiwas naman si Alfred sa kung anuman ang binato ni Hector. Halata sa mukha ni Le Anne at Alfred ang pagkagulat nang makita kami.

Mukhang di rin nila inaasahan na may tao na dito nang ganito kaaga.

Napatingin si Le Anne sa naiwasan ni Alfred. "K-Kuya Hector."

Sinugod sila ni Hector. "Anong ibig sabihin niyan? Natulog ba kayo sa isang kwarto?"

Le Anne shook her head. "Hindi ah."

Umiwas naman ng tingin si Alfred. "May kamanyakang ginawa to." I said.

Pinanlakihan niya ako ng mata. "Bastos isip mo." Tila bumulong siya sa gilid niya. "E bakit magkasama kayong dalawa? Magkasama kayong natulog?"

"Wow! May progress na!" excited pang sabi ni Le Anne. Halatang iniiba nila ang usapan.

Naka-cross arm si Alfred na tinignan si Hector. "Bakit ang bagal mo kay Bianca? Samantalang ang lakas ng loob mong kalabanin ako kay Le Anne dati."

Di nakasagot si Hector.

"Masyadong komplikado ang sitwasyon." singit ko. "Ang hirap niyo pang i-lead. Ayokong mahaluan ng malisya ang tungkol sa amin."

"Tigilan mo ako Bianca." pagpapatahimik sa akin ni Alfred. "Wala namang humahadlang sa inyo e. Nagkakahiyaan lang kayo. O baka naman." Bumaling ulit sya kay Hector. "... Naghihintay lang ulit si Hector ng ka-kompetisyon para i-push ang feelings niyo."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon