Chap 27: MEDOS FUTURE: TWIN WIZARDS TO HALF ENCHANTRESS

1.4K 49 2
                                    

JINKY'S POV


"Ano nga palang meron? Bakit nandito kayong lahat?" nagtatakang tanong sa amin ni Bianca. Syempre, Unsual nga namin na sakto sakto sa pagdating nila e magkakasama na kaming lahat.



Ayaw niya nun? Di na niya kami hahanapin isa-isa. Heheh



"Ano-" biglang nataranta si Le Anne. "Naglalaro lang kami. Sakto ang dating mo Bianca. Pagmemeetingan din sana namin ang tungkol sa mga Werewolf."



Bigla niyang pinagtatago sa ilalim ang mga papel at lumingon kay Iza.



Mukhang nakuha naman ni Iza ang ibig sabihin ni Le Anne kaya pasimpleng niyang pinagkukuha ang mga papel at kinausap si Tita Sarah.



Mukhang hindi pa siya handang ipaalam kay Bianca ang tungkol sa pag amin ni Alfred.


 Kung sa bagay. Hindi naman talaga dapat malaman iyun ni Bianca sa ganitong paraan. 


Si Alfred dapat ang kumausap sa kanya.





BIANCA'S POV

"BAKIT di mo sinabi ang tungkol dyan Alfred? Hindi mo ba alam kung gaano ka-importante yung mensaheng natanggap mo?" sigaw ko kay Alfred. Pinag uusapan namin ang tungkol sa plano ko.



Pero hindi ko alam na nakatanggap din pala ng importanteng mensahe si Alfred nang hindi ko alam.




'Give me  the 4 Royal Warriors and also The Half Enchantress. If that happens, the Divine Wizard will able to face you.'




"E nawala sa isip kong sabihin sa iyo. Isa pa hindi rin kasi sumagi sa isip ko na Royal Warrior ang isang lampang gaya mo." palusot pa niya.



"Sinong tinatawag mong lampa?" Nakakainis na siya ha.



"Pwede bang hayaan mo na lang yun. Ang importante alam nating isa ako sa Royal warrior at si Le Anne ang Half Enchantress?" 





"Yun na nga e. Hindi ko alam ang tungkol dun. Alam mo bang pumunta rin kami sa gitna ng lawa para kausapin ang Divine Wizard about sa Demonic Aura and anything, pero bumalik lang kami sa laot ng hindi namin namamalayan. May narinig na lang kaming boses na hanapin namin ang dalagang pinakita nila sa amin. E alam kong si Le Anne yun. Kaya nagmadali akong pumunta rito."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon