Chap 30: GAME

1.1K 44 2
                                    

LE ANNE'S POV


"AMEN!" sabay sabay naming sabi nang matapos ang prayer ni Papa.



SALAMAT PO SA PAGKAIN!



Tinodohan ko kaagad sa pagkain.



Hmm namiss ko talaga ang luto ni Papa.



Yung dalawang araw dito, parang isang bwan dun sa Training Ground namin ni Master Francia.



Nang makatapos ako ng isang pinggan ay napansin kong di pa sila kumakain at nakatingin lang sila sa akin liban kay Papa, Alfred, Basteh, Jinky at Tita.



"Bakit ganyan kayo makatingin?"



"Ngayon lang siguro nila napansin na malakas ka pala kumain." sagot ni Papa.



"Hwag niyo na siyang pansinin. Hayaan niyo na lang siyang mabusog." biglang sabi ni Alfred. "Iba ang mood niya pag ginugutom."



Tinitigan ko siya ng masama.



Natigilan ako nang biglang bigyan ako ni Kuya Hector ng panyo pantakip sa gown ko.



"Kailangan mo yan para di ka marumihan."



Tinitigan siya ni Alfred ng masama. "Hey, Hands off."



"Tinatakpan niya lang ang gown ko." awat ko kay Alfred.



"Magdahan dahan ka nga kasi sa pagkain para di na niya kailangang takpan ang gown mo." sigaw niya sa akin.



"Teka, kasasabi mo lang na hwag na lang akong pansinin at hayaan na lang akong mabusog?-"



"Ehemm." tinignan kami ng masama ni Tita Sarah.



Mukhang nairita namin siya sa pagsisigawan namin ni Alfred sa hapag.



"Kain!"Uwaah katakot.



"O-opo." pinagpatuloy ko ang pagkain.


The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon