Chap 31: FACE YOUR FEAR

1.2K 40 0
                                    

MANG LEONARDS POV


"SARAH, sa tinign mo ba kaya na ni Le Anne ang maglakbay?" tanong ko kay Sarah habang pinapanuod ang mga bata na nagsasayawan. "Magiging okay nga lang kaya ang lahat?"



"Malaki ang inimprove ni Le Anne sa pakikipaglaban." sagot ni Sarah. "We forced her to face her fears and he concur it all."



"Ibig mong sabihin-"



"Yap. She did it. She did it all actually. Matapang niyang hinarap lahat ng takot niya. Kapag naalala ko yung mukha niyang takot na takot, parang gusto ko ng itigil ang training but she said She can do it. Determinado siyang lumakas at hindi na umasa sa iba. Sabi nga ng Master ko, Le Anne was strong enough to survive in Medos alone pero hindi pa rin natin alam anong panganib ang naghihintay sa kanya doon kay di ko rin maiwasang mag alala."



"Di ko rin maiwasang mag alala. Siya lang ang meron ako gayon pero pare-pareho tayong gustong maibalik dito si Annie. Lalong na si Le Anne."



"Tama ka. Yung determinasyon ni Le Anne na makita si Annie. Nakita ko lahat iyun nang isa-ilalim namin siya sa training." napabuntong hininga na lang si Sarah. "Kapag naaalala ko yung pagsama niya sa mga Medo kapalit ni Le Anne, parang gusto ko siyang tirisin sa inis, on the other side, natataouch ako.I never thought tha she's capable of that kind of Loving. A Mother's Love."



"Si Annie." Napapikit ako at naalala ko ang mukha ng asawa ko. "Sana ayos lang siya."



"Siyempre ayos lang siya." rinig kong sabi ni Sarah. "Mas malakas siya higit sa inaakala mo. She's my Twin sister remember?"



"Papa!" tawag sa akin ni Le Anne. "Tara. Isayaw mo naman ako. After nito ayaw ko na. Pagod na ko."



"Sige na. Isayaw mo na siya." sabi ni Sarah. "Kailangan na rin niyang magpahinga. Matinding training ang pinagdaanan niya. Nagtataka nga ako saan pa kumukuha ng energy ang batang yan e."



"Okay. Para matapos na ang party at makapagpahinga na tayong lahat." nilapitan ko si Le Anne.



At nagsimula kaming sumayaw. "Nag enjoy ka ba Le Anne?" tanong ko sa kanya.



"Opo." masiglang sagot niya. "Salamat po sa pa-party. Tsaka nabusog din po ako sa mga niluto mo kanina."



"Mabuti naman nagustuhan mo." Nakangiting sabi ko. Hindi ko rin alam bakit humaling na humaling siya sa luto ko e.

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon