Book 2 Chap 14: REMATCH

623 15 0
                                    


LE ANNE'S POV

"NASAAN na kaya Bianca?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa alon na humahampas sa bangin na kinatatayuan ko.

Kanina ko pa kase napapansin na kakaiba ang kinikilos ni Bianca at Jinky. Pati na rin si Papa. Pagbalik niya galing hotel. Di na niya kasama si Alfred. Mukhang may di sila sinasabi sa akin.

Di lang ako nagtatanong masyado para di mag alala si Mama. Buntis siya at di dapat siya nag aalala.

Kanina. Nagpaalam sila Bianca na dalhin si Choey sa hotel, ay pasimple kong nilagyan ng tracking device ang damit ni Bianca.

San ko nakuha yun? Binigay ni Alfred sa akin. Communication tool galing yata sa mundo nila. Binigyan niya rin ng ganun si Jinky noong sumama siya kay Bianca.

Habang nagsy syesta sila Mama at Papa ay pumuslit ako sinundan ng location ni Bianca. Pero dito ako dinala ng tracking device.

Tumawid kaya sila sa kabilang isla?

Biglang guminaw ang paligid at nagyelo ang pampang. "Anong nangyayari?"

Isang higanteng slide ang namuo sa gitna ng dagat at natanaw ko ang isang lalaking nagpadulas doon.

Kahit malayo ang kinaroroonan nito, namumukhaan ko ang lalaking iyun. Si Alfred yun.

Sigurado.

Tumakbo ako papalapit sa padulas na iyun. Ngunit bago pa ako makalapit ay may namuong yelong pader sa pagitan ng pampang at dagat.

Di na ako makalapit kay Alfred.

Di nagtagal ay sunod sunod na pagsabog ang narinig ko. Dahil malinaw ang pagkakagawa ng pader na yelo, natatanaw ko pagtama ng mga pagsabog na iyun kay Alfred.

Walang habas syang pinapaulanan ni Kuya Hector ng mga fireballs. Paulit ulit niyang sinasabi "Hindi ako salot!"

Nakaupo lang si Alfred sa pader na yelo. Hindi na nya magawang makabangon ngunit patuloy parin ang pag atake sa kanya ni Kuya Hector.

Puno na ng sugat ang katawan niya. Halos sunog na rin ang mukha niya. Nagiging pula na rin ang kulay ng yelong kinauupuan niya.

"Eto pala ang sinasabi niyang mapanganib si Kuya Hector. Hindi ko alam na. . . " Hindi ko na kayang panuorin ito.

"Kung di ako nagpumilit na makita si Kuya Hector. Di sya pupuntahan ni Alfred mag isa. Kung nasamahan namin siya, magagawa pa naming pigilan ang laban na to."

Naghanap ako ng paraan para makalapit kay Alfred. Tinakbo ang dulo pader kung saan malapit na ang kinaroroonan niya.

Papatamaan siya ni Kuya Hector ng mga tipak ng bato na gawa sa pinatuyong lupa mula bundok.

"Alfred!"

Hindi.

Hindi na niya kayang gumalaw.

"Hindi."

Wala nang oras para buhatin ko siya palayo. Pumaharap na lang ako at sinubukang protektahan siya para sa mga pag atake.

Kapag direkta siyang tinamaan nun baka. . .

Niyakap ko siya ng mahigpit. Before i know it,  sumakit na ang buong katawan ko, habang siya'y sobrang nanlaki ang mga mata sa gulat dahil sa biglaang pagdating ko.

"Ni-Niligtas mo ako kagabi." Teka hinarang niya ang mga yun kaya ba hirap syang magsalita? "So ngayon, kwits na tayo ha."

BIANCA'S POV

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon