Chap 52: A TROUBLE REUNION

889 28 0
                                    


BIANCA'S POV

"ANG BAGAL naman ng train na ito!" rinig kong reklamo ni Alfred habang nakadungaw sa bintana ng unit namin sa train.



"Kasalanan mo naman kung bakit tayo nagtrain papuntang East Kingdom e. Kaya wag kang magreklamo."





Diba nga, pinapaiwan siya sa North Kingdom para maging guarantee na babalik kami nila Sebastian bago pa ang kasal. 

Pero ang ginawa niya, pinilit niya si Sebastian na magpanggap na siya at magkulong sa silid niya. 







Habang siya naman ay naman ay nagpapanggap na Sebastian sa harap ng mga sundalo namin.

Pero ang mga sundalo ay nasa kabilang unit at kumain kami ng Magic Candy ni Sebastian para makapag usap kami sa pamamagitan ng isip lamang. 



Parang telepathy. Pakiramdam kasi namin nakawiretap ang buong unit e.



"Kalimutan mo na nga yun. Hindi na bago kay Basteh ang Modos namin." Natatawang sabi niya. "Madalas kaya naming ginagawa yun para makatakas ako sa palasyo. Hahahah"




"You're full of it. Kung nandito sana si Sebastian, malamang kanina pa kami nasa East Kingdom."




"Nasa akin din naman ang transmitter na makakapaglocate kay Le Anne e. Di mo rin naman sila mahahanap kung wala ako." confident na sabi niya.






Kung sa bagay may punto siya. "Oo na. Oo na. Panalo ka na." Kahit naman anong sabihin ko, di naman siya papipigil na hanapin si Le Anne.




"Tell me Bianca." Bigla siyang naging seryoso. "Ano ba talagang plano mo para mapigilan ang kasal natin?"





Napangiti ako sa tanong niya. "Tatlong plano ang nasa isip ko. Pero di ko alam kung uubra."




"Tatlo? Nakaisip ka na ng tatlong plano?" ulit niya.






"Plan A. The PALUSOT. Sasabihin kong kasintahan ko si Hector na Prinsipe ng East Kingdom at gagawa gawa ako ng kung anong dahilan para isipin nilang nagmamahalan kami ni Hector."








"Paano kung kay Hector ka naman ikasal?"






"Kung makacancel ang kasal natin, kailangan pa nilang maghintay ng anim na bwan bago sila magplano ng susunod na kasal ko. Bago pa mangyari yun ay magpapanggap na kami ni Hector na naghiwalay bago pa planuhin ang kasal namin."








"E paano kung di natin makita si Hector? O kung makita man natin siya paano kung di siya pumayag?" 







"Edi proceed to Plan B. The CONFRONTATION. Sasabihin ko na ayaw ko sa iyo. Makikipagtalo ako sa aking Ama para mapigil ang kasal natin."







"If they insist?"








"Plan C. BOYCOTT. Guluhin natin ang kasal."






"I see. Maganda lahat ng plano mo. Siguradong one of those plan will stop this crazy wedding thing." Biglang napaisip siya ng malalim. "Sana magkaroon din ako ng plano paano kami magkakaayos ni Le Anne."





"Speaking of. . . Ano nga bang plano mo kapag makita mo siya? Nakipaghiwalay na siya sa iyo diba?"






"Hindi ko rin alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Basta gusto ko lang siyang makita. Di ako mapakali kapag wala siya sa tabi ko."





The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon