BIANCA'S POV
"NAKITA mo ba si Alfred?" Tanong ko kay Hector na nasa Control Room. Mukhang busyng busy sila. Mga tatlong staff plus si Hector, wala man lang nakapansin sa maingay na Engine sa hilgang bahagi ng barko?
"Hinatid niya si Le Anne sa kwarto nito. Nahihilo kasi ito sa mga byaheng barko." Di man lang niya ako nilingon.
"Na-nasa kwarto? Dalawa lang ba sila doon?" Hindi maganda to. Mukhang inaakit na nga ng Bansot na yun si Alfred.
"Malay ko. Alangan sundan ko sila hanggang dun?" Aba'y pilosopo to ah.
"Teka. Di ba Kuya ang tawag sa iyo ng Bansot na babaeng yun? Ibig sabihin close kayong dalawa? E bakit hindi ikaw ang magbantay sa kanya?"
"Ako ang incharge sa buong barko. Wala akong panahon para mag alaga ng may sakit. Hayaan mo ng alagaan siya ng mga hindi busy."
"Hoy! Akala mo ba hindi ko napansin na kanina mo pa siya iniiwasan. Sa pagkakatancha ko talaga close kayong dalawa. Kung ako nga nakakausap ka, e bakit siya, di mo makausap."
Napatingin siya sa mga staff na kasama niya. Tila nahihiya na siya sa mga sinasabi ko. "Bawal maingay dito sa control room. Labas!" Seniorito kung manigaw ha.
Napataas tuloy ang kilay ko. "Baka nakakalimutan mong Prinsesa ako. Ngayon lang yata ako inutusan at sinigawan ng kung sino."
"Baka ikaw ang nakakalimot na Prinsesa ka. Kung makasigaw ka ng Hoy parang di ka mahinhin. Kung sa bagay, pwede ka nga palang di mag asal Prinsesa dito. Wala ka sa Medos. Dito sa mundo namin, hindi ka Prinsesa."
Araay ha!
Sapol ako dun.
Parang kanina lang maayos kami magkausap dahil pinatawad namin siyang mga Medo sa mga ginawa niya sa amin.
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...