LE ANNE'S POV
"HANNA, gising na si Le Anne." rinig kong sigaw ni Iza. "Gising na siya." namulatan ko ang sarili ko na nasa isang kwarto at si Iza ay nakaupo sa gilid ng kama.
Habang si Hanna ay kakabangon sa sofa. At sina Bianca at Jinky ay papalapit sa akin.
"Mabuti naman at gising ka na..." sabi ni Hanna. "...Sleep-walker."
Eh? Oo nga pala.
Nagsleepwalk ako nang huling gising ko. Naligaw ako tapos nakita ako ni Alfred.
Si Alfred?
Naalala ko, hinarang ni Alfred ang motor niya sa rumaragasang kotse.
Pinapagaling ko siya tapos--
"Si Alfred? Nasaan siya? Okay na ba siya? Nandito ba siya? O bumalik siya kina Wendy?"
"Relax ka lang Le Anne." awat ni Bianca habang tinitignan ang benda ko sa braso. "Bumalik na sa dati si Alfred. Malamang nakaapekto ang pagkawala ng maraming dugo sa kanya para mabawasan ang lason sa katawan niya. At nang ginamot mo na siya gamit ang kapangyarihan mo, nalinis na ng husto ang lahat ng lason sa kanya. Yun nga lang, wala siyang maalala sa lahat ng nangyari. Ang alam niya lang, nakarating kami dito sa Japan at bigla na lang siyang nawalan ng malay habang hinihintay ang mga sundalo niya."
Aray... Parang nag overheat ang utak ko sa haba ng explanation.
Napatingin ako kay Jinky at hawak niya ang isang whiteboard na may nakasulat.
Nag oover-heat na siya. Simplehan mo ang paliwanag.
Pinabasa niya iyun kay Bianca kaya napabuntong hininga ito. "Sa madaling salita. Okay na si Alfred. Kasama niya sila Hector sa kabilang kwarto." sabi ni Bianca nang matanggal niya ang benda ko. "Mukhang naghihilom nga ang sarili ang sugat mo.--"
Pasensya na Bianca. Naexcite akong malaman na okay na si Alfred.
Tumakbo ako palabas ng kwarto at pumunta sa kabilang kwarto.
"Alfred."
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...