MANG LEONARD'S POV
"GOOD MORNING Leonard." bati sa akin ni Sarah na nagkakape na sa kusina. Maaga yata siyang nagising. Alas sais pa lang. Ito ang mga usual na oras na nagluluto ako ng agahan. "Magluluto ka na ba?"
"Ah, Oo." Inumpisahan ko nang maghugas ng bigas. "Kumusta ang tulog mo?"
"Okay naman. Si Le Anne? Okay lang ba siya?"
"Sa tingin ko, medyo shock siya sa nalaman niya, pero dahil nandito ang mga kaibigan niyang makukulit, malamang okay na siya."
"Magagalit kaya siya sa akin kung sasabihin kong lumayo siya kay Alfred?" natigilan ako sa tanong niya at lumapit sa kanya.
"Sarah, walang kasalanan si Alfred." seryosong sabi ko sa kanya.
Ano bang iniisip niya?
"Pero napatay na niya si Le Anne dati."
"Abswelto na siya dun. Kung dahil sa katigasan ng ulo niya, kaya niya pinuntahan si Le Anne. Hindi naman niya alam na biglang uusbong ang kapangyarihan niya e. At saka pinagbayaran na niya iyun. Naikwento sa akin ni Sebastian ang nangyari kay Alfred nang mawala ang Freda. Sarah, sa loob ng 12 years, walang amor ang Ama niya sa kanya. Kaya para na rin siyang walang magulang dahil sa nangyari. Paano natin siya masisisi sa nangyari?"
"So hindi ko na sila mapaghihiwalay?"
"Naaalala mo ba ang sinabi ni Freda habang binubuhay niya si Le Anne?" napaisip siya.
Kailangang mabuhay ni Le Anne para kay Alfred. I'm giving him reason to live.
"So Le Anne was the reason why Alfred lives?" napakamot siya ng ulo. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo Leonard, Anong estado nila?"
"Gaya ng sinabi ni Freda. Umamin na si Alfred noong isang gabi."
"Umamin?"
BINABASA MO ANG
The Half ENCHANTRESS
FantasyHow did Le Anne, a sassy girl with weird hobbies and a Human (Pure Human, I mean) became THE HALF ENCHANTRESS? Secrets and Mysteries are waiting as she search for her Long Lost Mother. This is a story of love, family, secrets, mysteries and how adve...