Book 2 - Chap 16: TIME OF DEATH

500 14 0
                                    

BIANCA'S POV

"HOW did I missed this information?" napatakip ako ng labi sa nabasa kong nagra-run na Archive magic ko. Nandito ako sa silid ko sa resort kung saan kami nagi stay ng pamilya ni Le Anne.

Oh my... All this time, kampante akong isa sya sa mga bantay ko.

Naalala ko... nang mga oras na tinalo ni Hector si Enzo, alam kong pamilyar ang boses na narinig kong nagtakas kay Enzo.

Malamang sya nga ang nagligtas kay Enzo nang mga oras na iyun.

Sumasakit lalo ang ulo.

Kinuha ko ang phone ko at tumawag sa aming palasyo. Sana makalusot ang tawag na to. Nagawa namang makalusot ng tawag na yun at napag alaman kong wala nga sa palasyo ang Medo na yun at mukhang tama ang hinala ko.

Hindi ko alam kung ipapaalam ko ang natuklasan ko sa mga kasama ko. Naglakad lakad ako sa dalampasigan at nakita kong nag uusap si Le Anne at Choey sa di kalayuan. Animo'y nagtutulakan pa. Yun pala'y nasa harapan nila si Jinky.

Papalapit na si sana si Cheoy kay Jinky nang may sinabi ito sa kanya. Maya maya'y nakita ko na ang Medo na kanina lang ay ini imbestigahan ko. Lumitaw siya sa likuran ni Jinky at giniitan ito sa leeg.

"JINKYYYYYYY"  napasigaw na lang ni Le Anne sa sobrang pagka shock.

Agad akong tumakbo kay Jinky habang ang Medo na yun ay biglang naglaho. Pinalabas ko ang mga fairy ko at sinubukang tahiin agad ang sugat ni Jinky sabay paandar ng archive magic

"Anong nangyayari?" malamang narining ni Alfred ang sigaw ni Le Anne kaya mabilis siyang nakarating.

"Alfred." natauhan na si Le Anne.

Lumapit siya sa akin. "Anong lagay niya? "

"Inaalam ko pa." Sinenyasan ko si Alfred na puntahan ang tulalang si Choey.

Inalog niya ang balikat ni Choey. "Choey, magiging maayos din sya. Huminahon ka."

Walang habas na hinagis ni Choey si Alfred kay Le Anne. Pagbagsak ng dalawa ay biglang nawala si Choey.

"Saan siya pumunta?"

Ibinangon ni Alfred si Le Anne. "Pasensya na."

"Ayos lang ako."

"Nakita ko kung saan siya pumunta." singit ni Hector sabay baling sa akin. "Ikaw nang bahala sa kanila Bianca. Ako nang bahala kay Choey. "

Sana ganun lang kadali to. Mababa na ang vital signs ni Jinky.

"Francia?" narinig ko si Alfred. Tinawagan paa niya si Francia. "May nangyari kay Jinky. Teleport her to the hospital please."

Agad na lumitaw si Francia sa harapan ko.

"Halika na Bianca." at sa isang iglap ay nasa hospital na kami. Ginawa kong invisible ang mga archive monitor ko, kahit naturn over ko na sya sa mga Doctor.

Sa nangyari sa kanya, she should have died instantly, pero gaya nang nangyari sa Japan nakakalaban pa sya. Alam ko di siya ganun madaling mapapatumba. Pero bakit di ko mapigilan ang mga luha ko. Ayokong ipakita kina Alfred at Le Anne ang pagiging worried ko dahil mas mahahalata nila ang tunay na kalagayan ni Jinky.

"Healing magic." napalingon kami kay Le Anne. "Kung may healing magic ako, madali ko syang mapapagaling gaya nang nagawa ko sa kanya sa Japan diba?"

Hinawakan ni Alfred ang kamay niya. "Magiging maayos din ang Ate ko Le Anne. Wag kang mag isip ng kung ano ano."

"Hindi Alfred e. Kung di sana nawala ang kapangyarihan ko, madali lang sana sa akin na pagalingin sya."

"Tama na sabi." niyakap siya ni Alfred. "Wala kang kasalanan. Walang kinalaman ang kapangyarihan mo sa nangyari sa kanya."

The Half ENCHANTRESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon