1/25/2020 Update - Hello, Enchanted Series readers! I just checked the stats, and ES2 has over 200K reads na pala. Maraming salamat sa inyong lahat!
-----------------
Huling linggo na ng Abril ay wala pa ring natatanggap si Errol na sagot mula sa mga inaplayan. Nagdesisyon na siya na hindi na pipirma ng panibagong kontrata sa paaralang pinagtuturuan. Halos mag-iisang buwan na ring walang kataka-takang mga pangyayari. Hindi na rin nakita ni Errol ang matanda. Hindi ito nagpapakita. Iniisip niya kung ano ang nangyari dito. Minsan sumasagi sa isip ang kakatwang pangyayari noong gabing iyon.
Tuluyan nang naputol ang ugnayan nila ni Ivan. Hindi na ito sumasagot. Dalawang beses ay tinawagan niya ang numero nito para sana mangumusta. Unattended na ang kabilang linya. Nalulungkot man ay tuloy ang buhay para sa binata. Hindi man maintindihan ang naging turing sa kanya ng binatang bumihag sa puso niya noon ay naisip niyang hindi na rin importante na balik-balikan ang maikling tamis na iyon.
Palakad-lakad si Errol sa kalye bitbit ang kanyang bag. Pawisan na siya dahil sa paghahanap ng trabaho. Sa di kalayuan ay tanaw niya ang mga naglalakihang gusali. Habang nag-aabang ng dyip ay nagring ang telepono nito. Tiningnan niya ang numero. Hindi pamilyar ito. Sinagot niya ang tawag. Binaba ni Errol ang telepono na nakangiti. Pagkatapos ay sumakay ito ng dyip.
Bumaba si Errol sa isang restaurant. Anim na daan na lang ang pera niya. Kinakabahan siya dahil alam niyang sosyal ang lugar. Umupo siya sa isang bakanteng mesa.
"Sir, ano po'ng order natin?" tanong ng babaeng waiter na nakangiti.
"Ah, eh," saad ni Errol na pinahid ng panyo ang kanyang pawisang noo. "May hinihintay pa kasi ako, miss."
"Okay, sir." Umalis na ang waitress.
Lumipas ang sampung minuto, dalawampung minuto. Wala pa rin ang babaeng katagpo ni Errol. Kanina niya pa napapansin na tinititigan siya ng waitress.
"Oh! There you are."
Umangat ng tingin si Errol at nakita ang pamilyar na mukha. "Ate" -- biglang niyang naalala na human resource manager pala ito -- "Ma'am Cindy, hello po."
"Hi!" masiglang bati nito. "Kanina ka pa ba?"
"Hindi pa naman po." Nagsinungaling si Errol.
"Kamusta na?" tanong ni Cindy.
"Okay lang po."
"I saw your resume sa files namin. Hindi ko alam nag-apply ka pala. Bakit hindi mo ako tinext o tinawagan?"
"Nakakahiya po kasi."
"Ito naman." Sumenyas si Cindy sa waitress na lumapit kaagad dala ang menu. Tinanong nito si Errol kung ano gusto nito.
"Ah, eh..." Natigilan si Errol dahil ang mamahal ng mga pagkain. Pinagpawisan ang binata habang binabasa ang menu at ang presyo ng karamihan sa mga entries. Bigla niyang naramdaman ang pagtapik sa kanya ni Cindy.
"Don't worry," saad ni Cindy. "Ako magbabayad."
"Nakakahiya naman po."
"Nope! Ako nag-imbita sa'yo dito. By the way, may makakasama tayo ngayon, ha. Dadating kasi boyfriend ko. Okay lang naman, di ba?"
"Ay, wala pong problema. Okay na okay po."
"Teka, so wala ka ng job ngayon?"
"Wala na po kasi hindi na po ako magrerenew sa school na pinagturuan ko."
"Bakit?"
"Gusto ko kasi talaga magtrabaho sa laboratoryo."
"Right timing ka! Maraming nagresign na empleyado sa laboratory at factories namin. We need new employees. Actually, you're already hired."
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...