Habang kumakain sa karinderia malapit sa tinutuluyan ay napatigil siya dahil sa isang balita tungkol sa namataang waterspout sa Manila Bay. Muli niyang naalala ang mga hiyas. Sabi ng lolo niya ay mararamdaman niya ang kapangyarihan ng mga ito. Ngunit kung ang may hawak ng hiyas ang may gawa ng buhawing iyon ay hindi niya masiguro dahil wala siyang naramdamang kakaiba.
Hinihintay niyang bumulaga ang matanda sa paligid upang sabihin sa kanyang natagpuan na niya ang may hawak sa hiyas ng hangin, ngunit hindi ito nagparamdam sa kanya nang buong gabing iyon. Kung bakit ay hindi niya alam at hindi niya na rin inisip.
Nang makapagpahinga sa kanyang silid ay tiningnan ni Errol ang mga print copies ng silweta nila ni Jansen na kinunan ni Liz apat na buwan na ang nakakalipas. Ang ganda ng mga larawan. Isa sa mga larawan ay ang magkahawak sila ng kamay ni Jansen. Sa silwetang larawang iyon ay magkaharap sila ni Jansen. Ang kanilang itim na mga pigura ay napapaligiran ng pulang kulay ng kalangitan. Sa likod ng kanilang magkahawak na kamay ay ang kulay dalandan na bilog, ang lumulubog na araw.
Napangiti si Errol habang nakatingin sa mga litratong iyon. Naalala niya si Ivan. Sana si Ivan ang lalaking 'yon. Sana pwede. Tumunog ang kanyang telepono.
"Hi," saad ni Jansen sa text.
"Oy, ano'ng meron?" sagot niya.
"Di makatulog?"
"Oo eh. Ikaw din?"
"Kamusta na? Long time no see, no talk."
"Busy sa work. Hehe"
"Pupunta ako ng Taguig bukas."
"Talaga?"
"Oo. May bibisitahin akong kamag-anak."
Hindi alam ni Errol ang isasagot.
"Pwede ba tayo magmeet bukas?" tanong ng binatang naaalala ni Errol sa makakapal nitong salamin.
"Sure. Teka, anong oras ka ba paparito sa Taguig?"
"Umaga pa lang. Actually, diyan ako buong araw."
"After work na lang siguro. Pero baka masyadong matagal."
"Nope. Okay lang. Sige bukas. Mga 6 p.m.?"
"Okay. Hehe"
* * *
Kinabukasan pagkatapos ng trabaho ni Errol ay nagkita nga sila ni Jansen sa isang coffee shop.
"Hey, nice to see you again," bati ni Jansen sa kanya.
Napansin ni Errol na bago na ang salamin nito. "Sira talaga ang mga mata mo, 'no?"
"Yup, since high school."
"Malabo talaga paningin mo pag wala yan?"
"Oo, yung tipong hindi ko mabasa ang mga signage tapos di ko makilala yung mga tao kasi blur lang yung mga mukha nila."
"Pwede patry?"
"Sure!" Tinanggal ni Jansen ang kanyang eyeglasses at inabot ito kay Errol.
"Mas cute ka pag walang salamin." Nakita niyang ngumiti ang kausap. Sinuot ni Errol ang salamin.
"Bagay sa iyo magsalamin," saad ni Jansen na nakangiti.
"Nakakahilo!" Agad niya itong inalis. "Grabe pala sira ng mata mo."
"Hindi naman. May kilala ako doble ang grado ng salamin niya." Sinuot ulit ni Jansen ang kanyang salamin. "So how are you?"
"I'm fine." Ngumiti si Errol. "Kamusta na si Ate Liz?"
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...