Chapter 67

2.6K 136 19
                                    

Point out the typos and errors when you spot them. Medyo wala ako sa mood magproofread ngayon dahil sa migraine. 


--------------


Nang idilat ni Errol ang mga mata ay isang puting ilaw ang kanyang nakita. Ilang sandali ay inakala niyang patay na siya at nasa langit na siya. Ngunit nang unti-unting luminaw ang kanyang paningin ay napagtanto niyang nasa isang silid siya.

Nang makita niya ang nakaturok na karayom sa kanyang kamay at ang nakakabit ditong tubo patungo sa isang pakete ng malinaw na likido ay nawari niyang nasa hospital siya. Ginala niya ang kanyang tingin. Sa kaliwa niya ay isang mesang yari sa makinis na kahoy. Sa ibabaw nito ay may basket ng mga prutas at kumpol ng bulaklak.

Dumako ang tingin niya sa telebisyon kung saan balita ang isang forest fire sa Rizal at ang imbestigasyon dito. Ayon sa balita ay ilang katawan ng mga armadong kalalakihan ang natagpuan sa lugar.

Sumagi sa isip niya ang lolo niya. Hindi man lamang nila naipalibing ito.

Isang metro mula dito ay umiidlip sa silya ang isang binatang nakapatong ang mga bisig at ulo nito sa tabi ng kama niya. Hindi ito nakaharap sa kanya.

"Erik?"

Tiningnan ni Errol ang nakabendang binti kung saan malapit ang ulo ng lalaking umiidlip. Nakita niyang gumalaw ito. Nagising na ito at humarap sa kanya.

"Kuya Bryan?"

"Errol, gising ka na pala. Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Medyo nahihilo pa, kuya. Nasa'n si Erik?"

"Pinauwi ko muna para makapagpahinga. Tatlong araw na 'yun nagbabantay dito."

"Ano?" Nabigla si Errol sa narinig. "Tatlong araw na ako dito?"

"Apat. Maraming dugo ang nawala sa'yo. Kinailangan kang salinan ng dugo ng ilang beses."

"Si Erik, kuya, kamusta siya?"

"Nung Miyerkules ng gabi hanggang nung Huwebes iyak nang iyak. Worried masyado sa'yo. Kritikal ka kasi nun kasi maraming dugo ang nawala sa iyo. Akala namin..."

Sandaling natulala si Errol. Nakatuon ang kanyang atensiyon sa ilaw sa kisame. "Kuya, mukhang mahal ang silid na ito. Baka kulangin ang natabi kong pera."

"Wag mo na alalahanin 'yun."

"Kuya, si Ate Cindy..."

"Hindi ko pa rin siya nahahanap."

Yumuko si Errol. "Kuya, sorry."

"Bakit?"

"Alam ko kung sino ang kumuha sa kanya."

"Sino?"

"Si Cassandra."

"Sino naman 'yan, at ano'ng kelangan niya kay Cindy?"

"Boss namin siya."

"Si Sandy Imperial ba ang tinutukoy mo?"

Tumango si Errol. "Kasi --" Biglang naisip ni Errol kung paano nalaman ni Bryan ang nangyari sa kanila. "Teka, kuya, pa'no mo nalamang naospital ako?"

"Kami ni Erik ang nagdala sa iyo dito. Actually, isang araw ka sa Tanay General Hospital bago ka namin nilipat dito."

"Pa'no? Magkakilala ba kayo ni Erik?"

"Hindi. Nakita ko kayo sa tabi ng ilog."

"Paano? Nandun ka din sa gubat?"

Tumango si Bryan. "Bago ka pumunta ng park nung Miyerkules, pinuntahan kita dun sa inuupahan mo kasi ilang araw ko na nun hinahanap si Cindy. Walang makapagsabi kung nasaan siya. Nung kumatok ako sa kwarto mo, sabi ng landlady mo kaaalis mo lang daw. Nang magdrive ako, mga ilang minutes, nakita kita papasok sa park malapit sa tinutuluyan mo. Sinundan kita dun. Nakita ko 'yung awayan nina Erik at Ivan."

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon