Chapter 24

2.7K 150 20
                                    

"Ate Cindy!" Nakadilat si Errol sa babaeng nakahandusay. Hinawakan niya ang pisngi nitong maputla. Dumako ang tingin niya sa mga galos niya sa braso at hita. "Lo, kilala ko siya."

Nakakunot ang noo ni Melchor habang tinitingnan ang babaeng nakahandusay. Dahan-dahang inangat ng matanda ang tingin sa kanyang apo. "Ang nakasaad sa alamat ng mga bato..."

Nakasimangot si Errol. "Ate Cindy!" Niyuyugyog niya ang braso nito. Kinuha niya ang kamay nito upang pulsuhan at pagkatapos ay tumingala sa kanyang lolo. "Nasa kanya ang isang hiyas? Pa'no nangyaring..." Binalik niya ang tingin sa maputlang dalaga. "Ang lamig ng kamay ni ate."

"Maaaring tama ang nakasulat sa alamat."

"Ano'ng ibig mong sabihin, lo?"

"Bilis, buhatin natin. Dalhin natin sa hospital." Pinagtulungan ng dalawang buhatin ang babae at agad silang binalutan ng mga ilaw.

Nang idilat ni Errol ang mata ay nasa gilid sila ng isang hospital. "Lo, baka may makakita sa atin."

"Hindi na mahalaga yan. Ang mahalaga mabigyan siya ng lunas." Dinala nila si Cindy sa emergency room.

"Kaanu-ano niyo ang pasyente?" tanong ng nurse na tumanggap sa kanila.

"Natagpuan lang namin siya," mahinang sagot ni Melchor.

"Ah, ano, kasi..." Hinila na siya nang kanyang lolo.

"Sandali lang po..."

Nilisan nila ang hospital at nanatili sa labas.

"Hindi ba natin siya sasamahan?" tanong ni Errol na tinatanaw ang gusaling iyon habang may pinapasok na mga pasyenteng naka-stretcher.

"Kapag nagising siya, magtataka siya kung paano natin siya nakita." Seryoso ang mukha ng matanda.

"Pero, pa'no si ate?"

"Magmamasid ako dito. Wag kang mag-alala."

"Eh di dito na rin ako."

"Umuwi ka na." Pinatong ni Melchor ang kamay sa balikat ng apo. "Kailangan mo na magpahinga."

"Di pa naman ako pagod."

"Pero may trabaho ka pa bukas, apo. Sige na. Kaya na ito ng lolo."

"Sigurado ka, lo?" Napakamot ng ulo si Errol. Nagdadalawang-isip kung susundin ang lolo niya o mananatili sa lugar na iyon. "Lo, kasi natatakot ako para kay ate."

"Ako na ang bahala. Sige na."

"Di ba di pa kayo kumakain? Dalhan ko na lang kayo dito ng pagkain para naman --" Naramdaman niyang hinawakan siya ng matanda at nakita niya na naman ang mga pamilyar na orbeng pumaikot sa kanila.

"Matigas talaga ang ulo mong bata ka. Kanino ka ba nagmana?"

"Eh di sa inyo." Nanunuya ang tingin ni Errol na umirap lang nang makitang nasa tapat na siya ng kanyang tinutuluyan.

Bumuntong-hininga ang matanda. "Bueno..."

"Lo, kumain ka muna." Hinila ni Errol ang kamay ng matanda, ngunit naglaho na rin ito. Napakamot na lang siya sa ulo. "Madaya talaga, o."

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon