"Dane!" Agad na tinakbo ni Diana ang kinaroroonan ng Amerikanong naka brown jacket at denim pants. Nakaupo ito sa gilid ng isang lumang restaurant. Agad na nagyakapan ang dalawa.
Madaling lumitaw ang itsura ng banyaga dahil sa kulay ng balat nito, sa buhok nitong kulay light brown na nakausli sa suot niyang knit hat, at sa asul nitong mga mata. Ang kanyang mga pilikmata ay mapupungay. Nakangiti ito habang nakayakap nang mahigpit sa dalaga.
"What are you doing here in the country?" Bumitaw si Diana at umupo sa lumalagitik na silya. Pinatong niya ang mga siko sa umuugang mesa.
"Director Siler sent me here to do a task." Ngumiti ang binata habang ginalaw-galaw ang mga hintuturo.
"How's Rod?"
"Getting old and a little bit cranky."
Ngumisi si Diana. "Where's David? Aren't you always together on missions?"
"Rod thinks I can do this alone. I just need to look for two people."
"Who?" Kumunot ang noo ni Diana. "By the way, what would you like to eat?"
"Just get me anything edible," tugon ni Dane.
Pumunta ang dalaga sa counter at umorder. Pagkatapos ay bumalik sa mesa. "So what is your mission?"
Kinuha niya sa kanyang bulsa ang kanyang smartphone. Tila ay may hinahanap siya, at maya-maya pa ay pinakita niya ito kay Diana. "The power outage in Manila earlier this year. The strange lights over Makati that same night. These are on the files of the Homeland Security and have been forwarded to the CIA."
Naging seryoso ang mukha ni Diana habang nakatingin sa picture ng folder na iyon. Sandali itong sumulyap kay Dane. "You mean..."
Tumango si Dane. "There are CIA agents here in Manila."
Biglang sumagi sa isip ni Diana ang kanyang ate. Alam niya ang kapangyarihan nito. Ngunit naisip din niyang imposibleng ganoon kalakas ang kapangyarihan ng ate niya. Sa kabilang banda, ilang beses na niyang napapansing kakaiba sa kinikilos nito. Agad niyang binalik ang wisyo sa usapan. "How long have they been around?"
"For a while now." Lumingon lingon si Dane sa paligid at hinawakan ang kanyang sombrero. "The U.S. Government still thinks it was terrorism."
"So they think the terrorists are still here?"
Umiling si Dane. "They're more interested in how they did it. Plunging a city in total darkness requires a technology that hasn't been seen before, especially not on that grand scale. Most likely it was an EM pulse. But who or what did it is the question."
Bumuntong-hininga si Diana. "So Rod asked you to find the CIA agents?"
"No." Umiling si Dane. "He wants me to get to the bottom of this. Rod doesn't think it's technology. Rod thinks..."
"It was caused by people like us." Umiba ng tingin si Diana. Sandaling sumulyap ito sa suot na knit hat ng kausap. Hindi siya komportable sa titig nito, at hindi niya malaman kung dahil ba ito sa asul niyang mga mata o dahil sa tingin ng dalaga ay nababanaagan ng banyaga na may alam siya kahit hindi sigurado. Tumanaw na lang siya sa labas ng salamin sa gilid ng inupuan niya, sa mga kotseng dumadaan at nagsalitang muli. "What will you do if you find them?"
"Rod said he just wants to know their identities."
"You trust him?"
"No, but I'm kind of getting bored lately. And getting here in your country seems a cool idea." Ngumiti si Dane, kita ang pagpungay ng kanyang mga mata, ngunit naging seryoso din ang ekspresyon nito sa mukha. "Besides, me and David had a bit of a fight, and..."
Ngumisi si Diana. "And you needed a break?"
"Yeah," tugon ng banyagang binata.
"So how do you like my country?"
"Pretty hot?" Napakamot sa ulo ang binata.
"Why are you wearing that jacket?" Kunot-noong ngumiti si Diana.
"Right!" Hinubad ni Dane ang jacket. Lumitaw ang kakisigan nito sa suot na puting t-shirt.
Mas lalong napangiti si Diana. "You're more gorgeous without your jacket." Nakita niyang pinamulahan ang kausap.
"Stop!" Tumawa ito nang payak.
"No wonder David loves you."
"And doesn't want me to talk to other guys."
"Like Kyle?" Umismid ang dalaga. "Is he still jealous of Kyle?"
Ngumiti lang si Dane at umiba ng tingin. "When are you coming back to the team?"
Matagal bago umimik si Diana at nakatulala sa labas. "I'm not coming back."
"Why?" Sumimangot si Dane at nilapit ang mukha nito sa kausap. "You're a valuable member of the team."
"I don't want to be an agent, Dane. You know that. I never liked our missions. And I certainly don't want to be used like a machine." Nakita ni Diana na natigilan ang kausap. "I'm sorry. I didn't mean to..."
"That's all right." Umiba ng tingin ang banyaga. "I know what you're trying to say. But you probably know why I called you." Bahagya itong ngumiti at kinunot ang mga noo na tila nagsusumamo.
"Of course, I won't let you wander aimlessly. How much did you pay the cab?"
"$200?" Ngumiwi ang gwapong banyaga.
"What!"
-------------
P.S. Kung hindi niyo kilala si Dane, siya yung nasa The Mind Bender. Bale sa timeline nitong shared universe nila, itong scene na ito ay nangyari around 4 years after ng last chapter ng The Mind Bender. You can find it sa profile ko.
You may also want to check out the sequel of The Mind Bender. It's called Queer, kwento ni Dane at David. Kakatapos niya lang, check niyo rin sa profile ko.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...