Chapter 65

2.6K 136 10
                                    


"I didn't know you needed a phone," saad ni Diana sa kausap sa telepono. "Still in Hong Kong?" Pinakinggan niya ang boses sa kabilang linya. "I haven't heard from you since..." Umismid si Diana, halatang nadismaya sa narinig. "What happened at the Hong Kong facility?" Bumuntong-hininga siya habang pinakikinggan ang kabilang linya. "Okay. Bye, Dane. Send my regards to the others."

Habang nilalapag ang telepono sa katabing mesa ng kanyang kama ay narinig niya ang malakas na katok sa kanyang pinto. Nang buksan niya ito ay tumambad sa kanya ang pawisang itsura ni Sandy. "Ate?"

"Quick! I need your help."

"Bakit? Ano'ng nangyari? What are you wearing? At bakit ka may pasa?"

Hinila siya ni Cassandra papunta sa kanyang kwarto. Tumambad kay Diana ang duguang katawan ng pamilyar na binata. Agad niya itong tinungo.

"Ivan?" Kumunot ang noo ni Diana habang nakayukod sa tabi ng nakahandusay na kaibigan na walang pang-itaas. Nasapo nito ang nakabukang bibig. Napangiwi siya habang mangiyak-ngiyak na tinanong ang kanyang ate. "Ano'ng nangyari?"

"Kilala mo siya?"

"He's my friend." Nakatuon lang ang atensiyon ni Diana kay Ivan, tiningnan ang mukha nito at pagkatapos ay huminga nang malalim nang dumako ang kanyang tingin sa dalawang malalim na sugat sa kanyang katawan. "Ano'ng nangyari?" kunot-noong tanong ni Diana na natataranta at napapaiyak.

"Don't look at me like that," walang emosyong saad ni Cassandra.

"Ano'ng ginawa mo?" Bakas ang pagtataka at galit sa mukha ni Diana.

"There was an accident."

"Accident?" kunot-noong tanong ng kapatid na tila hindi binibili ang sagot ng nakakatanda.

"Stop asking questions. Just heal him!" asik ni Cassandra.

Nilapat ni Diana ang palad sa dibdib ni Ivan. "He's barely breathing. Mahina na ang tibok ng puso niya."

"Can you do it?"

"I'm not sure." Binuka niya ang talukap ng mata ng lalaki. Dilated na ang pupils ng kanyang mga mata. "Hindi ko alam kong kakayanin ko. Hindi ko pa nasubukan ang kapangyarihan ko sa taong naghihingalo." Nanginginig ang kamay niya habang dinadapo niya ito sa dibdib ng binata. Naghahalo ang takot para sa kaibigan at ang galit sa kanyang ate. Ngunit mas mahalaga ang buhay ng taong nasa harap niya.

"Just do what you can."

Nilapat ni Diana ang kanyang palad sa noo ni Ivan at ang isang palad sa kanyang dibdib. Pumikit siya. Dumaan ang isang minuto na tila walang nangyayari.

"Diana, is it working?"

"I'm concentrating." Maya-maya pa ay umungol si Diana.

"Diana, what's happening?" Humakbang si Cassandra tungo sa kapatid na tila nahihirapan sa ginagawang paggamot sa malubhang binata.

Nangingisay ang katawan ni Ivan habang dumadaing naman si Diana. Umungol siya na parang nasasaktan. Ilang saglit pa at tumigil siya, at tulirong nagsalita. Sinapo niya ang kanyang nakabukas na baba at umiyak. "I can't do this." Umiling siya habang namumula ang nakakunot na noo at umiiyak. "Hindi ko kaya... Ivan!"

"Subukan mo ulit," balisang saad ni Cassandra.

Pinatong muli ni Diana ang mga palad sa noo at dibdib ni Ivan at pumikit. Ilang segundo pa at umungol muli ito.

"You can do it, Diana. I trust you."

Bumilis ang paghinga ni Diana. Dumadaing ito. Umungol ito. Naninigas ang mga kamay. Ngunit unti-unti ring nagbago ang kulay ng balat ni Ivan. Nagsasara ang dalawang sugat nito sa katawan. Ilang saglit pa at tumilapon ang dalawang bala mula sa mga sugat. Nagsara na nang tuluyan ang mga sugat ni Ivan sa katawan, maging ang mga paso nito sa magkabilang bisig ay unti-unting naglaho. Maya-maya ay nagbalik sa dati ang itsura nito. Walang bakas ng tama ng bala. Walang bakas ng paso. Parang natutulog lang ito.

Ilang minutong tahimik si Diana. Nakapikit. Nanginginig pa.

"Diana, are you okay?"

"Saving his life drew too much energy from me."

"Take your time then."

Ilang minutong pumikit ang babaeng nakayukod pa rin sa tabi ng binatang tila mahimbing na natutulog. Humihinga ang kakaibang manggagamot nang malalim. Ilang minuto pa ay dumilat siya. Kumunot ang kanyang noo nang makita ang dalawang bagay na iyon sa sahig. "Two bullets, really?" Lumingon siya kay Cassandra at inirapan ito. "Ate, ano'ng ginawa mo?"

"I-I just saw him."

Umiling si Diana. "Liar! Alam kong may ginawa kang hindi maganda!"

"Salamat, Diana. Bumalik ka na sa kwarto mo. Ako na ang bahala sa kanya."

"He was shot! Didn't you call the police? Did you report this?"

Umiling si Cassandra. "It's dangerous."

"Dangerous? Buhay ng tao dito ang nakasalalay."

"But look, he's okay now."

"What if I wasn't here? Patay na siya ngayon, ganon? Ate, I know this guy. Ivan is a nice guy. Who would do this to him?"

"I don't know."

"You don't know? Sinungaling ka talaga! I can see it your face. I can see it in the way you move right now. So tell me. What did you do?" Nakadilat ang mata ni Diana sa ate niya.

"I have no idea what you are talking about," Kalmado niyang sagot. Nilabanan ni Cassandra ang titig ng kapatid.

"If you don't report this, I will."

Hinawakan ni Cassandra ang kamay ng kapatid. "Don't. Mapapahamak ako."

"Why?"

"Just don't."

Sumimangot si Diana at umiling. "You're hiding something from me, and I will find out what it..." Biglang nakaramdam ng pagkahilo si Diana.

"Calm down, Diana." Hinawakan ni Cassandra ang mga braso ng kapatid.

Ginalaw naman ni Diana ang mga braso upang alisin pagkakahawak ng kanyang ate. "Iuuwi ko na ang lalaking 'yan. I know where he lives," mahinang saad niya.

"No."

"What!" Hinila ni Diana ang kamay mula sa pagkakahawak ng nakakatandang kapatid.

"I'll take care of him. Look, you're weak. You have to rest."

"Take care of him?" Umirap ulit si Diana. "No, I don't trust you." Hinawakan niyang muli ang palad ng binata. "Ivan, wake up. You have to wake up." Gusto niyang padaluyin ang enerhiya mula sa kanyang katawan papunta sa binata upang magising ito, ngunit nakaramdam siya ng pagkahilo at hirap sa paghinga.

"Stop it, Diana. Wag mo nang pahirapan ang sarili mo. I'll take it from here."

Masikip ang kanyang dibdib. Ngayon lamang siya nagbigay ng lunas sa isang taong naghihingalo. "Ate, hindi ko palalampasin itong mga" -- humugot siya ng malalim na hinga -- "pinaggagagawa mo."

"Stop talking. Save your energy." Inalalayan ni Cassandra ang kapatid na tumayo.

Hindi makapalag si Diana dahil sa sobrang panghihina. "I'll report this to the police," mahina niyang saad habang kumukurap ang mga matang inaalalayan ni Cassandra palabas ng kwarto. "You won't get away with this."

"Just shut up!" Tumaas ang pinong boses ni Cassandra. "Besides, he looks normal already. Ano pa ang irereport mo sa pulis? Ako na ang bahala sa kanya."

"I will find out what you're doing." Huminga ulit siya nang malalim. Nilalakad siya ng kanyang ate patungo sa kanyang kwarto. "Kung may ginagawa kang masama..." Naramdaman niyang tinulak siya ni Cassandra sa kanyang kama at dahil sa hina ay bumagsak na rin siya sa malambot na kutson.

"Rest." Ngumisi si Cassandra.

Umiikot man ang paningin ay nakapagbanta pa ang dalaga. "I will stop you anyway I can."

"Good luck with that."

Dahan-dahang dumilim ang kanyang paningin...


Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon