Chapter 77

2.6K 137 51
                                    


Nang dumilat si Errol ay nasa isang lugar na nagliliwanag sa kaputian siya. Walang kahit na anong bagay sa puting kawalan maliban sa lalaking iyon na nakatalikod. Naglalakad ang lalaking iyon patungo sa makislap na liwanag. 

May kung anong nag-udyok sa kanya na tumakbo patungo sa pamilyar na lalaki. Hinila niya ang braso nito. "Erik!" Tuwang tuwa si Errol habang mahigpit na niyayakap ang matalik na kaibigan.

"Rol, magpakabait ka ha. Mamimiss kita." Banayad na hinaplos ni Erik ang pisngi ni Errol at pinisil ito.

"San ka pupunta?" 

"Dun." Tinuro ni Erik ang liwanag na iyon.

"Iiwan mo na ako?" Tumulo ang mga luha ni Errol.

Umiling si Erik at ngumiti. "Pa'no naman kita maiiwan? Lagi lang akong nandiyan." Diniin ni Erik ang hintuturo sa dibdib ni Errol. "Di ba?"

Umiiyak na tumango si Errol. Minasdan niya ang paglakad ni Erik papalayo, ngunit hindi niya na naman napigilang habulin ito at yakapin. "Erik, sama na lang ako."

Lumingon si Erik sa kanya at hinawakan siya sa mga kamay. "Hindi pwede." Ngumiti ito sa kanya at kinurot siya sa pisngi. "Wag na matigas ang ulo, Rol."

"Malulungkot ako kapag wala ka." Pinahid ni Errol ang mga mata.

"Maraming nagmamahal sa'yo. Hindi ka mag-iisa. Ngumiti ka na."

"Paano ako ngingiti kung iiwan mo na ako?"

"Hindi naman kita iiwan eh. Di ba andiyan lang ako lagi sa puso mo? Ngingiti na yan." Ngumiti si Erik.

Napangiti nga si Errol at pagkatapos ay niyakap siya ni Erik.

"Mag-iingat ka ha." Kumalas na si Erik sa pagkakayakap at naglakad patungo sa liwanag na iyon.

Wala ng nagawa si Errol kundi pagmasdan siya habang kinakain siya ng liwanag. 


Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon