Chapter 51

2.6K 139 12
                                    

Isang nakatalukbong na ale ang palakad-lakad sa kagubatan hanggang sa may matanaw itong mga kalalakihan. Nagmadali siyang naglakad patungo sa mga ito. "Oy!" Nakita niyang napalingon ang mga ito sa kanya.   

"Ale, bakit mag-isa lang kayo dito sa gubat?" tanong ng isa sa mga lalaki.

Hinahapo ang babaeng tila may edad na. Habang hawak ang tungkod sa isang kamay, ay inangat nito ang tingin sa mga kalalakihan. "May kilala ba kayong Melchor?"

"Si Mang Melchor, yung matanda po na nakatira sa sira-sirang kubo?"

"Oo, siya nga. Kilala niyo ba siya?" may impit na tanong ng ale. Mahina ang kanyang boses.

"Patungo kami sa kanya. Dadalhan po namin ng makakain," saad ng kausap na  lalaki.

"Pwede ba akong makisuyo sa inyo?"

"Ano po iyon?" tanong ulit ng lalaki.

"Pakidala naman ito sa kanya. Alam ko madalas uminom ng maruming tubig ang kapatid ko'ng iyon." Ngumiti ang ale. Inabot niya ang isang bote ng tubig, lumitaw ang kulubot niyang balat sa pag-atras ng kanyang manggas.

Agad namang kinuha ng lalaki ang tubig. "Sige po. Malapit lang po dito ang kubo niya. Di niyo pa dadalawin?"

"Hindi na, iho, at hinahapo na ako." Humawak sa dibdib ang ale na hinihingal.

"Gusto niyo po ihatid namin kayo sa tirahan niyo?"

"Wag na, iho. Sige na at aalis na ako. Kaawaan kayo." Ngumiti ang ale at tumalikod na naglakad hawak ang lumang telang nakapalibot sa kanyang leeg. May kalumaan na rin ang kanyang saya.

Palinga-linga itong naglakad hanggang sa nakalabas ito ng kagubatan. Agad niyang binuksan ang kotse na nakaparada at umupo sa driver's seat. Dahan-dahan niyang pinagapang ang mga hintuturo sa kanyang mga mukha at unti-unting nawala ang kulubot sa mukha ni Cassandra at umitim ang kanina'y maputing buhok. Ngumisi ang babaeng nakatingin sa kawalan. "Alam kong mahina ka ngayon, tiyo. Pero hindi ako magpapakasiguro. Natuto na ako."

Maya-maya pa ay dumating na ang mga sasakyang lulan ang mga kalalakihang may dalang mga pana at kumpol ng mga palasong nakasabit sa kanilang mga likod. Malawak ang ngising pinakawalan ni Cassandra habang tinitingnan ang mga itong papasok ng kagubatan.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon