Chapter 54

3.1K 155 39
                                    


"Base sa description mo, parang alam ko yang lugar na yan. Madalas ko yang madaanan kasi may property kami sa Tanay." Pinaharurot ni Ivan ang sasakyan. Di niya alintana ang sakit na naramdaman sa paso sa kanyang balat.

"Sigurado ka, pare?" tanong ni Erik.

"Hindi pero wala naman tayong choice. Pero base sa description ni Errol parang malapit yan dun sa isang rainforest camp sa Tanay." Nilingon niya si Errol na nakaupo sa katabi ni Erik sa likod. Mukhang balisa ito at may malalim na iniisip.

"Ibig sabihin kayong dalawa ang may hawak ng hiyas ng hangin at apoy."

"Ano'ng hiyas, Rol?"

"Nung pumunta ako sa bahay ninyo at pumasok ako sa kwarto mo, may napansin akong pulang bato na mukhang malaking holen. Nilagay ko yun sa garapon. Napansin mo rin ba yun?"

"Hindi ko na matandaan." 

"Akala ko rin noon parang ordinaryong bato lang eh. Kaya nilagay ko na lang dun sa garapon mo."

"Ikaw, Ivan, may naaalala ka bang kakaibang bato?"

Lumingon si Ivan kay Errol. Kumunot ang noo niya, pilit inaalala. "May napansin ako noon sa kwarto. Minsan din dito sasakyan. Di ko alam sa'n galing. Tinapon ko naman yun."

"Malamang yun ang mga hiyas."

"Anong hiyas?" tanong ni Erik.

"Ng mga elemento."

"Ha?" Napalingon si Ivan. "Magical pala yun."

"Dun ba galing yung --"

Sumabat na si Errol bago matapos ni Erik ang itatanong. "Ang kakayahan mong gumawa ng at kontrolin ang apoy. Ikaw naman, Ivan, ang kakayahang kontrolin ang hangin."

"Bakit nasa amin? Wala akong naaalalang may nagbigay sa akin ng mga yun."

"Ivan, kayo ang pinili ng mga hiyas."

"Ha? Paano?"

"Hindi ko alam."

"Teka, Rol, paano mo naman nalaman yan?"

"Sinabi sa akin ni lolo."

"So buhay talaga siya?"

"Oo."

"Matagal mo na bang alam?"

"Noong Marso lang."

"Siyam na buwan na pala. Pa'no kayo nagkita?"

"Kasi nasa park ako. Umiiyak."

"Umiiyak?" kunot-noong tanong ni Erik.

Napalingon si Ivan, ngunit nanatiling tahimik. Naalala niya yun yung panahon na hindi na siya pumupunta kina Errol at nakikipagdate sa kung sinu-sinong babae.

"Malungkot ako nun."

"Errol, sorry talaga."

"Okay lang, Ivan. Matagal na yun."

"So pa'no kayo nagkita ng lolo mo?" tanong ni Erik.

"Nakita niya akong umiiyak dun sa park."

"Bakit siya nandun?"

"Erik, kasi may kapangyarihan ang lolo."

"Seryoso?" Mahina ngunit may pagtataka ang tono ng boses ni Erik.

"Kaya niyang gumawa ng ilaw sa kanyang kamay. Tapos nakakapagteleport din siya. Nung gabing yun, dinala niya ako sa kubo niya sa gubat. Pinakita niya sa akin ang isang lumang baul na may mga bato. Pero nung gabing yun, kumikinang ang mga bato, hindi gaya nung bato sa kwarto mo. Tapos biglang parang naging usok ang mga bato tapos sumingaw sa ere. Sabi ng lolo nung gabing yun hinahanap na daw ng mga bato ang mga nakatakdang humawak sa mga ito."

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon