Sinalubong si Ivan ng tarantang si Manang Jean pagkauwi nito mula sa convenience store. "O, manang, ano'ng problema?"
"Ivan, andito ang mommy mo!"
"Talaga?"
"Nasa sala siya."
Kinabahan si Ivan. Di niya alam kung bakit andito sa bahay ang nanay niya gayung sinabi niya noon na ayaw na niyang pumarito. "Ma, naparito kayo?" Nakita niya itong tumayo mula sa pagkakaupo.
"Ano itong nababalitaan ko na pinapabayaan mo na ang farm?"
"Akala ko ba hindi ka interesado dun?" Sumimangot si Ivan.
"Excuse me?" Umirap ang ina ng binata na tiniklop ang mga bisig.
"Bakit bigla bigla interesado kayo sa lupang yun?" Binagsak ni Ivan ang katawan sa sofa sa sala. Nakita niyang bumaba ang tingin ng kanyang ina sa kanya.
"I'm just worried about your future, son, your welfare."
"I'm fine." Giniya ng binata ang kanang kamay sa kanyang buhok. Halatang irita na ito. "Yan lang ba ang pinunta mo dito?"
"Hindi ko gusto yang tono mo." Kumunot ang noo ni Daniella na nakaturo ang hintuturo sa anak. "Aren't you glad to see me here? Di ba gusto mo akong pumunta dito sa bahay?"
"I'm tired, ma." Umiling si Ivan.
"I don't see why you're tired. Ganyan na ba kahirap magpatakbo ng isang maliit na tindahan?"
"Hindi isang maliit na tindahan lang ang pinapatakbo ko."
"Call it what you wanna call it, Ivan, but it's still a small business."
"Magtatalo na naman ba tayo?" Tumayo si Ivan at naglakad papunta sa itaas, sa kwarto niya.
"When will you take your life seriously?"
Natigilan ang lalaki. Hinarap nito ang kanyang ina. "You think I'm not taking my life seriously?" tanong niya na nakaruto ang daliri sa dibdib niya.
"You're not getting any younger."
"I know, ma. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko." Nakasimangot na niluwagan niya ang kanyang kwelyo.
"I see. Pero kelan mo ako tutulungan sa pagpapalakad ng ibang negosyo natin?" Bumaba ang boses ni Daniella.
"Negosyo niyo ni papa!"
"Ivan, hanggang ngayon ba" -- umiba ng tingin ang ina ng binata -- "hindi mo pa rin mapatawad ang iyong papa?"
"Hindi sa ganun."
"Then what is it?" Humarap muli ang nakagayak na ginang sa anak. "What's the problem?"
"Ma, I'm tired. Wala ako sa mood na pag-usapan yan."
"Ivan, you have to think about this. It's for our future. Alam mong hindi ko kayang patakbuhin mag-isa ang lahat ng negosyong iniwan ng ama mo."
"I know. I'm sorry. Bukas na bukas pupuntahan ko ang farm natin."
"Hindi natin. That farm is yours. You know that."
"As you wish." Nakita ni Ivan na lumapit sa kanya ang ina at hinawakan ang mukha nito.
"Pumayat ka yata," saad ni Daniella na nakasimangot sa anak. "Are you under some kind of stress?"
"Wala 'to, ma."
"Take care of yourself, son. I don't want to lose you too."
Natigilan si Ivan sa narinig. Noon niya lang narinig ang ganoong pag-aalala ng ina.
"Looks like you took care of the house." Ginala ni Daniella ang kanyang tingin sa buong bahay.
"Laging naglilinis dito sina Manang at si Lindy."
"Ganun ba?"
Bigla silang tinungo ng kasambahay. "Ma'am Daniella, Ser Ivan, handa na po ang dining table," saad ni Manang Jean.
"Manang, bakit may ser pa?" tanong ni Ivan na nakasimangot. Ayaw niyang tinuturing siyang boss ng mga kasama sa bahay. Parang pangalawang nanay na niya si manang. Subalit alam din niyang naging pormal lang ang tawag sa kanya ni Manang Jean dahil nandirito ang kanyang ina.
"Ah, sige na po. Tumuloy na kayo sa hapag kainan." Nakangiti si Manang habang tinuturo ang dining room.
"Dito ka kakain, ma?"
"Yes, why?"
"I thought you didn't like to be here anymore."
"Let's just say I miss this house." Ngumiti ang ina ni Ivan.
Ngumiti si Ivan. Kahit paano ay napasaya siya ng pagtigil ng ina sa bahay nila. "Why the sudden change?"
"I'm getting older, and I realized you're the only family I got." Hinaplos nito ang pisngi ni Ivan.
Nangingilid ang luha sa mata ni Ivan nang makitang naluluha rin ang mata ng ina. Niyakap nito ang ina.
"Take care of yourself, son. Will you?"
"I will, ma," saad ni Ivan.
"So what's for dinner?" tanong ni Daniella.
"Ang favorite dishes niyo po, ma'am," sagot ni Manang Jean.
"Kare-kare and pochero! I miss these!" nakangiting bulalas ni Daniella habang umupo sa tapat ng dining table.
Masayang kumain ang mag-ina na noon lang sabay na kumain matapos ang mahabang panahon.
Masiglang gumising si Ivan kinabukasan, ngunit nakaalis na ang kanyang ina.
"Nagmamadaling umalis, ser. May aasikasuhin daw," saad ni Lindy.
Nalungkot ang binata. Pero gaya ng pinangako sa ina ay pinuntahan niya ang bukid sa Laguna. Isa sa mga dahilan kumbakit hindi masyadong nabibisita ni Ivan ang farm ay dahil sa layo nito. Madalas ay nabuburyong ang binata sa byahe. Bukod pa dito ay walang hilig ito sa pag-aasikaso ng lupaing iyon.
--------------------
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...