"He's fine," saad ni Diana na nakahawak sa dibdib ng walang malay na si Errol.
"Are you sure?" tanong ng madungis na si Ivan na mugto ang mga mata habang hawak ang buhok ni Errol. Nakita niya ang pagdaloy ng mga luha sa gilid ng mga mata nito.
"Pero pwede rin natin dalhin sa hospital just to be sure." Pinahid ni Diana ang mga pisngi.
"Magiging okay lang naman siya, di ba, Diana?" Gumagaralgal ang boses ni Ivan.
"Hindi ko alam."
Nakita ni Ivan ang pagtangis ni Diana at ang pag-iyak ni Cindy habang nakayakap kay Bryan. Wala na rin siyang nagawa kundi hayaan na lang ang sariling luhang dumaloy sa mga pisngi. Hinahaplos niya ang pisngi ng walang malay na si Errol.
Sa di kalayuan ay umalingawngaw ang sirena ng mga ambulansiya. Nagsidatingan din ang ilang reporter mula sa iba't ibang istasyon ng radyo at telebisyon na nag-uulat tungkol sa pambihirang delubyong noon lang nila naranasan at nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...