"Nay, hindi na ba nagagawi si Errol sa tiangge ninyo?" tanong ni Erik kay Aling Sol na hinahanda na ang mga gamit na dadalhin sa Carriedo.
"Hindi na, nak," saad ni Sol. "Hindi ba sabi mo abala yon sa trabaho?"
"Oo nga. Baka kasi dumalaw." Magulo ang buhok ni Erik, halatang bagong gising. Nagkukusot din siya ng mga mata.
"Tawagan mo na lang kung may kailangan ka." Sinabit na ni Sol ang isang malaking bag sa kanyang balikat.
"Nagbago nga ng number."
Sumimangot naman ang nanay niya. "Di ka pa ba tinatawagan o tinitext?"
Umiling si Erik.
"May LQ ba kayo?" Ngumisi si Sol.
"Nay, naman." Napakamot si Erik sa batok.
"Nako kayong mga bata kayo. Baka may ginawa ka don."
"Yun nga, eh, wala akong ginawa," saad ni Erik sa mababa nitong boses.
"Pinaiyak mo na naman ba?"
Natigilan si Erik. "Ano?"
"Nakuuuu, kayong mga bata kayo."
"Tulungan na kita, nay."
"Wag ka na mag-abala at andiyan naman sa labasan ang alalay ko."
"Sige, nay, kaw bahala. Pag nagawi si Errol sa tiangge text ka kaagad ha."
Nanunuya ang irap ni Sol sa anak. "Kung gusto mo umupa pa ako ng motel para sa inyo." Humagik-ik ito habang inaayos sa balikat ang bag na dala.
Napangisi si Erik. "Sige, nay, yung malinis ha."
"O, siya at tanghali na."
Nang makaalis ang ina ay naghimutok si Erik sa kanilang kusina. Dinig niya ang ingay ng mga tambay sa labas. Tinatamad siyang pumasok. Oo nga pala at Christmas Party nila mamaya. Pero wala siyang gana.
Kinuha niya ang cellphone sa kwarto at tiningnan ang mga natanggap na mensahe, nag-aasam na isa sa mga ito ay galing kay Errol. Ngunit wala. Binuksan niya ang mensaheng mula sa nobyang si Shanice na pinaalalahanan siya tungkol sa party. Hindi siya sumagot.
Hindi namalayan ni Erik na nakaidlip siya sa mesa sa kusina. Nang tingnan niya ang oras ay alas diyes na ng umaga. Nakailang tawag na pala si Shanice na di niya nasagot. Dahil sa pananakit ng likod at ulo ay naisip niyang magkape na muna.
May mga ilang bagay na bumabagabag sa kanya. Bakit hindi siya masaya? May mga gusto siyang gawin na hindi niya magawa. May mga pagdadalawang-isip na nagpaparalisa sa kanya.
May isang tao siyang nais makita. Pero nasaan siya? Habang nakatitig sa teleponong tahimik ay bigla niya itong natapon dahil sa bugso ng pagkatuliro. Napasabunot siya sa kanyang buhok.
Ilang sandali pa ay naisip niyang kailangan niyang libangin ang sarili. Kinuha niya ang kanyang twalyang nakasabit sa aparador sa kanyang magulong kwarto. Bago lumabas ay napansin niya ang isang lumang litrato. Matagal niya itong tinitigan hanggang sa mapangiti siya kasabay ng pamumula ng kanyang mga mata.
Pumasok siya ng banyo dala-dala ang litratong iyon na kinagat niya habang mabilis na hinubad ang kanyang mga saplot. Pinatong niya ito sa pasamano ng bintanang kalebel ng kanyang noo.
Hinihintay niyang ibsan ng tubig ang pangungulilang nararamdaman. Bakit ba niya pinaubaya kay Ivan ang kaibigan? Kamusta na kaya sila? Kamusta na kaya si Errol? Masaya ba siya? Sana alam niya. Sana alam niya ang kalagayan nito. Sana alam niya kung malungkot ito. Nandito naman siya kung sakaling...
Ilang beses na niyang nahuhuli si Manny na tila nagpapalipad-hangin tungkol sa totoong sitwasyon ng kaibigan. Kaya naghihintay siyang magsumbong sa kanya si Errol.
Nakayuko siya habang ang mga kamay ay nasa dingding ng banyo. Hinayaan niyang tumulo ang mga patak ng tubig mula sa kanyang basang buhok at katawan. Dahan-dahan niyang inangat ang isang kamay upang kunin ang litratong pinatong sa bintana.
Matagal tinitigan ni Erik ang larawang iyon hanggang sa halikan niya ito. Hanggang ngayon ay naghihinayang pa rin siya. "Bestpren, miss na miss na kita..." Pinutol ng buntong-hininga ang ang pagbulong niya sa sarili. "Masaya ka ba sa kanya? Kung hindi, bumalik ka naman sa akin, o."
Oo, kinakausap niya ang larawang iyon na walang alinlangan. Hindi sumagi sa isip niya na gawain ito ng mga siraulo. Pero namimiss niya talaga ang kaibigan. Dinala niya sa gitna ng kanyang dibdib ang litratong iyon.
Sumandal siya sa pader at dinama ang presensiya ng taong matagal na niyang gustong makitang muli. Kung bakit madalas itong sumagi sa kanyang diwa ay ayaw na niyang alamin. Kung bakit nagsisisi siyang hinayaan ito sa piling ng kanyang tinuturing na karibal ay hindi na rin niya inisip.
Ang nais niyang gawin ngayon ay bumuo ng senaryo nila ni Errol sa kanyang utak. Senaryo ng eksenang pagsasaluhan lamang nilang dalawa. Isang eksenang ilang beses na niyang pinatakbo sa kanyang diwa.
Imahinasyon na bunga ng pangungulila. Pangungulilang nagpagapang sa kanyang palad papunta sa nakatirik na bagay na iyon. Ang buhay na buhay na bagay na iyon na ilang beses na niyang naipuslit sa imahe ng taong nais niyang alayan nito.
Dumaan ang ilang minuto sa banyong iyon na tanging mabilis na paghinga ng matipunong binata ang maririnig. Minsan ay pumipikit si Erik at napapahalinghing. Minsan ay sinusulyapan ang litratong iyon. Minsan ay umuungol. Minsan ay inuungol ang pangalan ng binatang iyon.
Unti-unting kumapal ang hamog sa banyo, ngunit hindi ito napansin ng hubo't hubad na lalaking mabilis na gumagalaw ang kaliwang kamay habang hawak sa isang kamay ang litrato.
Umuusok ang tubig na nasa balde. Sumisingaw din ang tubig mula sa semento at nagpapakapal sa hamog sa loob ng maliit na banyong iyon.
Nakapikit si Erik habang nakanganga, paminsan-minsa'y kumukunot ang noo at napapangiwi sa sensasyong nararamdaman. "Errol, ahhh, ang sikip."
Maya-maya pa ay bumilis ang paghinga ni Erik sabay pagngiwi niya. "Errol, malapit na ako." Bumilis ang pagbayo ni Erik sa kanyang palad hanggang sa -- "Aaahhh..." Hiningal siya.
Nang mahimasmasan matapos magparaos ay doon niya lamang napansin ang makapal na hamog sa banyo na ipinagtaka niya. Binalot niya ang kanyang baywang ng twalya at kinapa ang doorknob upang lumabas.
Ayaw pumihit ng doorknob. Nagpamewang ang binata habang naghahanap ng bagay sa loob ng banyo na pwedeng magamit upang mabuksan ang pinto, ngunit wala siyang makitang kapakipakinabang.
Ilang sandali pa ay pinihit niya nang marahas ang doorknob. Napahampas siya sa pinto dahil sa inis. Ilang pihit pa ang ginawa niya nang maramdaman niyang may nahahawakan siyang malapot at animo'y dyel sa kanyang kamay. Laking gulat niya nang ituon niya ang tingin sa hawakan ng pinto.
Nagbabaga ang doorknob na kanyang hinahawakan at unti-unti itong natunaw. Umuusok ang nagbabagang kahoy sa paligid nito. Napaatras si Erik sa hilakbot at napatingin sa kanyang kanang kamay, bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.
Agad niyang hinanap ang balde. Nang kunin niya ang tabo na nakalubog sa balde ay napaigtad siya nang biglang kumulo ang tubig sa paligid ng kanyang nakalubog na kamay. Nabigla siya sa nakitang mga maliliit na bulang umuusbong sa paligid ng kanyang nakalubog na balat, mga bulang mabilis na pumibabaw kasabay ng makapal na singaw.
Ngunit hindi na rin niya pinagtuunan ng mahabang atensiyon ang tila pagkulo ng tubig sa balde. Sumalok na lang siya ng tubig at sinaboy ito sa natunaw na doorknob na nagbabaga at sa nagniningas na kahoy sa paligid nito. Lumagitik ang nasirang pinto at bumukas nang kusa upang siya ay palabasin.
------------
P.S. Naaalala niyo ba yung bed scene nina Erik at Shanice sa Book 1? Nasa Chapter 48 ng Book 1 (Wattpad version). https://www.wattpad.com/211874674-enchanted-broken-chapter-48
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...