Chapter 9

3.1K 165 10
                                    

Dumating ang araw ng Lunes. Gaya ng sinabi ni Cindy ay pumunta si Errol sa kanilang opisina sa Makati.

"Hi," masiglang bati ni Cindy kay Errol.

"Hi, Ma'am Cindy," bati ni Errol sa dalaga. Nakita niyang may tinapon itong kung ano sa basurahan.

"Great. Meet your workmates -- Mara and Gideon, the new lab technicians, and Nathan, your fellow chemist," saad ni Cindy kay Errol.

"Hi," bati ni Errol sa tatlo. Nakita niyang tumango ang mga ito at inabot ang kanyang mga kamay.

"I'll have you sign the contracts in a minute. I'll also orient you regarding company policy. Tomorrow, you can start reporting to our lab in Taguig. I know, Mara and Gideon, you both live in Taguig, right?"

Tumango sina Mara at Gideon.

"Great. That means you won't have a problem with transportation. But Errol is from Sampaloc and Nathan is from Caloocan, right?"

Tumango sina Errol at Nathan.

"Nathan, I think you should rent a place."

"May matitirhan na po ako sa Taguig, ma'am," sagot ni Nathan.

"Errol, you may also consider renting a place," saad ni Cindy.

Doon lang naisip ni Errol na mahirap nga pala ang byahe galing sa Sampaloc papuntang Taguig lalo pa't trapik sa maraming bahagi ng Manila tuwing oras ng pasukan papunta at uwian galing sa trabaho. Ito ngang pagpunta ng Makati ay kinailangan niyang umalis ng bahay ng alas sais upang makasigurong aabot siya sa opisina ng alas otso ng umaga. Tatlong sakayan din 'yun -- kasama ang papuntang Quiapo -- na kung suswertehin ka ay aabot ka ng Makati ng mahigit-kumulang isang oras. Mas mahirap ang papuntang Taguig. Nakakangarag.

Sa kabilang banda ay naalala rin ni Errol ang sinabi ng matandang lolo niya, na kailangan niyang lumipat ng tahanan upang protektahan ang kanyang pamilya. May alinlangan siya sa babala ng matanda, ngunit marahil may bahid ito ng katotohanan lalo pa't nasaksihan niya kung paano sila tinugis ng mga armadong tauhan ni... Nakalimutan ni Errol ang pangalang sinambit ng lolo niya. Pangalan iyon ng babae.

Biglang may pumasok na babae sa opisina ni Cindy. Binati ito ni Cindy. "Good morning, Miss Sandy."

Napalingon si Errol at ang tatlong baguhan. Nakita ni Errol na nakasalamin ito. Maayos ang buhok na nakatali sa likod. Strikta itong tingnan. Malinis ang damit. Nakacoat ito na puti na medyo hapit, kaya naman litaw ang kurbada ng kanyang balakang. Naka-slacks ito na puti rin at puting high heels. Mayamang-mayaman ito umasta. Nakaka-intimidate.

"Ladies and gentlemen, I am pleased to introduce to you the company's CEO, Miss Sandy Imperial," saad ni Cindy.

"Good morning, ma'am!" sabay-sabay na masiglang bati nina Errol sa dalaga. Ngumiti si Sandy sa mga ito at isa-isa silang kinamayan.

Kinabahan si Errol nang siya na ang kamayan nito dahil matalim siya nitong tiningnan na may bahagyang ngisi. Ang tinging iyon ay parang nangangalkal ng kaluluwa.

"Have we met before?" tanong ni Sandy kay Errol sa pino niyang boses.

"I-I don't remember, ma'am," nauutal na saad ni Errol. Ngunit agad na binaling ng boss ang tingin kay Cindy.

"They look smart, quite fine replacements sa mga nagresign," saad ni Sandy kay Cindy.

"They have promising academic and professional backgrounds, miss. I'm sure they will do just fine," sagot ni Cindy.

"Well, I'll leave them to you. This is your area." Ngumiti si Sandy kay Cindy. Pagkatapos ay lumingon ito sa mga newly hired employees at payak ng ngumiti.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon