Chapter 56

2.9K 132 0
                                    


Binagalan ni Ivan ang kotse nang makita ang karatulang iyon papasok sa isang rainforest camp. Medyo liblib na ang lugar na ito. Kaunti lang ang dumadaang sasakyan.

"Ito na yata yung lugar na tinutukoy mo, Errol." Binagalan ni Ivan ang pagmamaneho hanggang hininto niya. Nakita niyang naalimpungatan ang dalawa at nagkukusot ng kanilang mga mata.

"Ito ba talaga?" tanong ni Errol.

"Yan na yung signage na sabi mo." Tinukoy ni Ivan ang isang lumang karatula papasok sa gubat. Maya-maya pa ay bumaba na sila. Ang kulimlim ng kalangitan.

Matagal tinitigan ni Errol ang karatulang iyon at tumango.

"Anong lugar na ba ito?"

"Tanay, pare."

"Salamat, Ivan." Binuksan ni Errol ang pinto ng kotse. "Ako na maghahanap sa lolo ko. Dito lang kayo."

"Sabi ko na eh," biglang singit ni Erik.

"Hindi pwede!" bulyaw ni Ivan.

"Rol, sasama kami."

"Hindi pwede! Manganganib ang buhay ninyo. Kung tama ang nakita ko at nasa loob si Cassandra, mapanganib para sa inyo."

"Pa'no ka naman?"

"Ivan, andoon naman si lolo. Tsaka yang mga paso mo kailangang magamot yan."

Tiningnan ni Ivan ang mga pasong hugis kamay sa kanyang magkabilang bisig. "Eh di ba sabi mo papatayin siya ng Cassandra na yan?"

"Yun ay kung maunahan niya ako. Bibigyan ko ng babala si lolo."

"Sasama kami," saad ni Erik.

"Erik, wag na makulit."

"Hindi kita tinatanong kung pumapayag ka, Rol!"

"Tama, sasama kami. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag hinayaan kitang sumuong diyan at may mangyari sa iyo."

"Ahhh!" Kinusot ni Errol ang mukha. "Sige, sige. Ang tigas naman ng mga ulo niyo."

Napangiti ng pilyo si Ivan sabay hawak sa kanyang pundilyo at kinindatan si Errol. "Di pa naman eh. Gusto mo patigasin ko?"

Umismid si Erik. "Uy, ano yan?" Lumapit ito kay Errol. "Lika nga dito. Baka mabastos ka na naman."

Tinapik ni Ivan si Errol at nginitian ito. "Di naman kita binabastos, di ba, baby?" Nakita niyang namula ang nakahood na binata at yumuko.

Umirap si Erik sa kanya at hinigpitan ang akbay kay Errol.

Nakakailang hakbang pa lang sila papasok sa gubat nang makaramdam si Ivan ng kakaibang atmospera. "Medyo madilim na." Tanaw niya ang mga sanga ng nagtataasang mga puno. Dinig niyaa ang pingsamang huni ng mga ibon at kulisap. Dinig niya rin ang tunog ng kanilang yapak sa mga tuyong dahon.

"Wag kayo mag-alala. May fire power tayo," saad ni Erik.

"Mayabang ka rin pala, pare." Ngumisi si Ivan. "Dapat pala sa iyo napunta ang hangin."

"Di ba sa'yo napunta? Alam mo na ibig sabihin."

"Sabi ni Errol noon seryoso ka daw. Di naman pala." Nagtawanan ang dalawa.

Nasa loob na sila ng masukal na kagubatan. Dahil makulimlim ang kalangitan at makapal ang kakahuyan, nakakatindig balahibo ang atmospera sa gubat na sinuong nila. Tanging ang kakarampot na ilaw na sumusuong sa pagitan ng mga sanga't dahon ang kanilang gabay sa loob. Halos labinlimang minuto na silang naglalakad pasuong sa kakahuyan.

"Rol, ano ba ang hinahanap natin?"

"Maliit na kubo. Sira-sira na ang kubo na yun."

"Bakit, dun nakatira lolo mo?"

"Oo, Ivan."

"Di mo ba siya pinatira sa inyo, Rol?"

"Ayaw na ni lolo. Matigas ulo nun."

Napangisi si Ivan. "Parang ikaw. May pinagmanahan ka pala."

Sumimangot si Errol. "Hindi kaya matigas ulo ko." Para bang pinigilan niya ang pagngisi. "Ikaw kaya ang tigasin."

"Ikaw ha." Sinundot niya ito sa tagiliran.

Umigtad si Errol. "Ano ba?" Nakangiting tanong niya.

"Siguro namiss mong makita, 'no?" Binigyan ni Ivan ng pilyong ngiti ito na agad namang umiwas ng tingin. Biglang gumawa ng ingay si Erik. Nagseselos yata.

"Ahem. Rol, yung akin ba gusto mo makita?"

Natawa si Ivan sa narinig. "Pare, parang di bagay sa'yo magpaka-naughty."

"Gagu," asik ni Erik sa kanya. "Teka, alam mo ba ang daan patungo sa kubong yun?" tanong nito kay Errol.

"Hindi nga eh." Tinanggal na ni Errol ang kanyang hood.

"Nako, naloko na," saad ni Ivan. "Teka, ano yun?" Tumigil ang tatlo. May narinig si Ivan na mga kaluskos. "Wag kayong gagalaw." Hinawakan ni Ivan ang balikat ni Errol na nasa harapan niya. Humakbang siya sa harap nito at pinakiramdaman ang paligid. "Wag kayong maingay."

Dahan-dahang naglakad ang tatlo. Nakikiramdam.

"Kinikilabutan na ako," saad ni Errol.

"Wag ka mag-alala, bestpren. Kasama mo si Human Torch."

Napalingon si Ivan. "Human Torch pala ha." Pagkatapos ay dumako ang kanyang tingin sa binatang inakbayan ni Erik at kinindatan ito. Napansin kaagad niyang umiba ito ng tingin.

"Teka," saad ni Errol, "pamilyar na sa akin ang parteng ito ng gubat."

"Ibig sabihin malapit na tayo," saad ni Erik.

"Naririnig niyo yun?" Ginala ni Ivan ang tingin. Naririnig na naman niya ang mga kaluskos. "Wag kayong gagalaw." Ang bawat yapak ay nagdudulot ng ingay sa mga tuyong dahong naapakan, ingay na tila umaalingawngaw sa masukal na kagubatan. Nakita ni Ivan ang mga nagtataasang puno at ang mga sanga nito. Dinig niya ang mga huni ng ibon at ang ingay na ginagawa ng mga kuliglig. "Bilisan natin!"

Ilang sandali pa ay may narinig silang mga yapak. Kinabahan na si Ivan. May kakaibang nangyayari sa gubat. Ang mga kaluskos ay hindi ordinaryo. Hindi lang sila ang nandoon.

Nakakatindigbalahibo ang sensayong animo'y may nakamasid sa kanila. Lumakas pa ang mga yapak ng tila ay mabilis na naglalakad na tao. Ngunit kakaiba ang ritmo ng mga yapak. May mas mahabang espasyo ng katahimikan sa pagitan ng dalawang yapak. Ang ritmo ay tulad ng sa tibok ng puso. Nagpatuloy sila sa paglalakad. Ginagala nila ang kanilang tingin.

"Rol, okay ka lang?"

Nilingon din ni Ivan si Errol at nakitang tumango ito kay Erik. Kita na niya ang pangamba sa mukha nito. "Errol, wag ka mag-alala. Mahahanap natin ang --"

Nagulat ang tatlo nang biglang tumambad sa kanilang harapan ang nakahandusay na matanda na punit-punit ang damit.

"Lolo!" sigaw ni Errol. 

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon