Chapter 11

2.9K 168 19
                                    

Nadatnan ni Errol na nasa silid si Nathan kasama ang nobya nito. Dahil tila ay naglalampungan sila, napagpasyahan niyang iiwan muna sila. Hindi siya masyadong pamilyar sa Taguig kaya naman ay naglakad-lakad ito hanggang makarating sa isang parke na hindi naman kalayuan sa inuupahan. Doon ay umupo ito at tiningnan ang mga tao sa paligid. Maya-maya ay may tumabi kay Errol. Hindi niya naman ito nilingon hanggang sa magsalita ito.

"Nag-iisa ka yata."

Napalingon si Errol. Nakita niya ang nakasombrerong lalaking matipuno na may suot na hapit na t-shirt. Sumagi sa isip niya si Ivan noong una niya itong nakita. "Nagpapahangin lang."

"Ako rin nagpapahangin," saad ng lalaki na ngumiti sa kanya.

Napangiti na rin si Errol dito.

"Mike." Iniabot nito ang kanyang kamay.

"Errol," sagot ni Errol at nakipagkamay sa estranghero kahit may agam-agam. Nagulat na lang siya nang biglang ipatong ng lalaki ang kamay sa kanyang hita at tiningnan siya nito nang malagkit. Ginalaw ni Errol ang hita at umiba nang tingin, ngunit hindi inalis ng lalaki ang kanyang kamay. Tumayo si Errol.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ng lalaki.

Natakot si Errol. "Ah, eh... Uuwi na. Gabi na kasi."

"Wala pa ngang alas nwebe, o," masuyong saad ng lalakig inakbayan si Errol.

Inalis ni Errol ang pagkakaakbay, ngunit inakbayan ulit siya nito.

"Ayaw mo ba?" tanong nito.

"Ha?" tanong din ni Errol na napangiwi.

"Pampalipas libog lang. Sige na,"

Dinig ni Errol ang tila nagsusumamong boses ng lalaki.

"Pangit ba ako?"

"Hindi naman sa ganon pero di kasi kita kilala."

"Di rin naman kita kilala eh," bulong ng lalaki. "Sige na."

Nakikiliti si Errol ngunit ayaw niyang magpadala sa panunukso ng lalaki. "Wala kasi akong pera."

"Hindi naman ako nagpapabayad, eh."

"Wala rin akong pangmotel." Pilit na inaalis ni Errol ang pagkakaakbay ng lalaki sa kanya.

"Kahit diyan lang sa tabi, tol. Sige na. Di ka magsisisi, malaki 'tong akin."

"Ah, eh... Sige, alis na ako."

Hinila siya ng lalaki. "Hawakan mo pa, o." Tinaas ng lalaki ang laylayan ng kanyang t-shirt.

Nakita ni Errol ang mapula nitong mga utong at ang flat nitong tiyan na may kaunting buhok na na kumapal papunta sa ibabang bahagi. Kahit na humihindi siya ay nakakadama siya ng init sa katawan. Agad na kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at dinala ito sa kanyang harapan. Ramdam ni Errol ang bukol.

"Sabi ko na nga ba, gusto mo rin, eh." Malagkit pa rin ang tingin ng lalaki kay Errol.

Giniya pa ng lalaki ang kamay ni Errol sa kanyang harapan, ngunit nagpumiglas na si Errol. "Ah, sige, uuwi na talaga ako." Nasa tabi na sila ng daan. Nahihiya si Errol dahil may mga dumadaan.

"Wag muna! Libog na libog na ako, eh." Nagmatigas na ang lalaki. Hinigpitan nito ang akbay kay Errol at mas diniin ang kamay niya sa pundilyo nito.

Pilit na kumalas si Errol sa pagkakaakbay ng lalaki, ngunit hindi siya makakalas. Napangiwi na siya dahil sa pilit na pagkawala at sa hiyang nararamdaman sa ginagawa ng lalaki. Natatakot siya sa maaaring mangyari.

Walang anu-ano'y may biglang pumaradang sasakyan sa tapat nila. Biglang bumaba ang sakay nito at agad na inundayan ng suntok ang lalaking nakaakbay kay Errol. Nagulat si Errol sa bilis ng mga pangyayari.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon