Habang naglalakad ay tumigil si Errol sa tapat ng estatwa ni Arsenio Lacson nakatalikod sa lumang gusali ng isang bangko. Makikinig kaya ang batong iskulturang ito sa kanya kapag kinausap niya ito?
Maraming mga tao ang nagpalakad-lakad sa paligid ng gabing ito. Maya-maya pa ay naisip ni Errol si Manny. Kamusta na kaya siya? Tinawagan niya ito.
"Te!" sigaw ni Manny sa kabilang linya.
"Sir Manny!" Masaya si Errol na lumusot ang kanyang tawag.
"Napatawag ka? Alam ko na."
"Ano?"
"Di ka na virgin, 'no?"
"Sira! Sir Manny, namimiss kita."
"Juice ko, teh. Parang magkapatid na tayo."
"Baliw. Kailangan ko kasi ng kausap."
"Ay, nag-eemote ang friend ko? Tungkol na naman ba 'yan sa lagay ng iyong babasaging puso?"
"Oo, eh."
"Kamusta si Ivan?"
"Hindi ko alam. Pero kanina..." Nababasag ang boses ni Errol.
"Umiiyak ka ba?"
"Okay lang ako."
"Lagi ka namang ganyan, Manang Errol, eh. Kesyo okay ka lang kahit durog na durog na ang puso mo. Dapat kasi nilagyan mo 'yan ng warning na 'Fragile! Please handle with care.' Ganern!"
"Nakita ko siya kanina sa park. May kasama siyang magandang babae. Mukhang masaya sila."
"Ano gusto mo? Sabunutan ko sa bulbol ang babaeng 'yan?"
Natawa si Errol kahit na umiiyak. "Loko-loko! Pero sana sinabi sa akin ni Ivan na ganon... Hindi naman ako magagalit."
"Sabi ko kasi sa'yo noon na sunggaban mo na. Pavirgin ka kasi. Ayan, iniwan ka tuloy at naghanap ng kepyas."
"Manny naman, eh."
"Ateng, may mga ganung mga lalaki talaga. Hay! Ilang beses na akong naetchos ng mga ganyang keme. Kunyari nagpapasweet. Dalawa lang 'yan, ineetchos ka lang, pinagtitripan, ganon, o kaya naman pera lang ang habol sa'yo. Since mayaman naman 'yang Ivan, malamang dun siya sa una."
Bumuntong-hininga si Errol. Baka nga. Sabagay palabiro naman talaga si Ivan. Noon nga madalas niyang maisip na baka pinagtitripan lang siya nito. Ang mga pang-aakit niya, ang mga pagiging maaalalahanin niya, baka trip niya lang. Baka bored lang siya noong mga panahong iyon. Baka ginawa lang siyang pampalipas-oras habang wala pa siyang nobya. "Sabagay. Siguro tama ka."
"Pero hayaan mo, te. May makakatagpo ka pa. Hayaan mo na iyang Ivan na 'yan. Pakasaya siya sa putang kiki na 'yan."
"Grabe 'yang bunganga mo, ha." Natawa si Errol. "Kakagaling ko lang kina Erik."
"Ay, binisita si ex?"
"Kailangan ko kasi ng makakausap."
"Tapos? Nagkausap kayo?"
"Wala siya dun. Malamang kasama si Shanice. Okay na rin siguro na hindi ko siya nakausap. Mas mainam na rin. Ayoko na rin abalahin 'yun. Oy, wag mo na lang sabihin ito kay Erik, ha."
"Bakit ayaw mong malaman ni Papa Erik?"
"Narealize ko ngayon na may iba na talaga silang buhay. Ayoko na sila abalahin. Si Erik masaya na siya kasama si Shanice. Basta 'wag mo na ipapaalam, ha. Lagot ka sa akin pag tsinismis mo."
"O siya. As you wish, manang Errol. Kawawa ka naman. Dapat ipa-insure mo na 'yang puso mo, te."
"Sira! Pwede ba 'yun?"
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...