Chapter 23

2.8K 152 7
                                    

"Umalis ka sa harapan ko!" Tinulak ni Cindy ang mukha ng lalaki.

"Magugustuhan mo rin 'to." Lumapit muli ang lalaki.

Umatras si Cindy at umiling.

"Nanding, parating na si boss!" bulalas ng kasama nila.

"Mabilis lang 'to. Pagbigyan niyo na ako. Minsan lang tayo makatikim ng ganito." Hinaplos ng lalaki ang braso ni Cindy.

"Lumayo kang manyak ka!" sigaw ni Cindy.

"Ano'ng sabi mo?" Hinila ng lalaki ang buhok ni Cindy at tinulak ito sa kama. Agad na niluwagan nito ang kanyang sinturon at binaba ang kanyang pantalon.

Tumambad sa nanginginig sa takot na dalaga ang matigas na ari ng lalaki. Hilakbot ang kanyang nadarama habang nanlalaki ang kanyang mga mata at nakaangat ang mga palad paharap sa kalapastanganang iyon. "Wag, please wag! Ibibigay ko lahat ng pera ko sa inyo." Tiningnan niya ang dalawang lalaki ngunit nakangisi lang ang mga ito habang siya wala nang magawa kundi maiyak na lang.

"Sige, Nanding. Pagkatapos mo kami naman. Bilisan mo bago dumating si boss!" bulalas ng isa sa kanila.

"Maawa naman kayo..." Mangiyak-ngiyak si Cindy habang nakikita niyang papalapit ang lalaking nakababa ang pantalon at pilit siyang hinalikan habang pinapasok nito ang isang kamay sa loob ng kanyang suot. Naramdaman niyang nilalamas ng lalaki ang kanyang suso. At dahil babae't mas mahina ay wala siyang nagawa kundi umiyak na lang at magmakaawa. "Wag please, tama na..." Ngunit pinatungan siya ng lalaki at hindi na siya nakagalaw. Naramdaman niya na lang na tinataas ng lalaki ang laylayan ng suot niyang palda at binababa ang kanyang panty. Ramdam niya ang pagtama ng matigas na ari ng lalaki sa kanyang hita malapit sa kanyang pagkababae.

"Ang lamig mo naman, miss byutipul. Pero paiinitin kita." Ngumisi lang ito na tila hayok na hayok. "Tagal ko na di nakakatikim ng ng katulad mo."

Nagpupumiglas si Cindy. Gamit ang anumang lakas na natitira sa kanyang katawan ay hinawakan niya ang lalaki sa magkabilang braso upang itulak ito. Nakita niya ang malademonyo nitong mukha na nakangisi sa kanya. Alam niyang anumang segundo ay mapapasok na siya ng demonyong ito.

"Ano'ng ginagawa mo!" sigaw ng lalaki sa kanya.

Nakita ni Cindy bigla itong napangiwi.

"Aaaarrggg!" Biglang kumalas ang lalaki mula sa kanya at hinawakan nito ang magkabilang brasong kanina lang ay hawak niya.

"Hoy, Nanding, napa'no ka?" tanong ng isang lalaking nakangisi.

Nang tanggalin ni Nanding ang mga kamay sa mga braso niya ay tumambad sa kanila ang maputing parte ng kangyang braso. Nang hinawakan ito ng isa sa kasamahan niya ay -- "Ang lamig. Parang yelo!" Tiningnan ng tatlong lalaki ang tanging babae sa kwarto na nanginginig pa rin sa takot at pagkatuliro.

"Hoy, miss, ano'ng ginawa mo dito?" tanong ng lalaking kasamahan nila.

Umiling lang si Cindy. "Wala akong ginagawa! Pakawalan niyo na ako!" Pawis na pawis ang mukha ng dalaga. Tinaas niyang muli ang kanyang salawal at inayos ng nagusot na suot.

"Pa'no ba yan, Nanding, ako na lang siguro mauuna dito." Agad sinunggaban ng lalaki si Cindy.

"Get away from me! Mga hayop kayo!" Hinawakan ni Cindy ang mukha ng lalaki upang ilayo ito sa kanya ngunit nagulat siya ng biglang tumigas ang mukha nito. Nakita niyang napadilat ang lalaki sa pagkabigla hanggang sa balutin ng puting yelo ang mukha nito. Gumapang ang yelo sa buong katawan ng lalaking nakadilat at nakanganga. Dinig niya ang paglagiti ng balat ng lalaki habang tumitigas ang mga kalamnan nito.

Napadilat siya sa gulat. Kumunot ang kanyang noo sa pagkalito. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ang sunod niyang nasaksihan ay ang umuusok sa lamig na katawan ng lalaking hinawakan. Hindi niya alam kung patay na ba ito. Pinisil niya ang mukhang hawak pa rin niya. Matigas na ito. Nang bitawan niya ito ay bumagsak ito sa semento at nabali ang kamay nito at nabasag ang ulo nito. Napaigtad ang babae at napahawak sa nakabukas na bibig at ngumiwi. Umiling na lang siya at napaatras, hindi maarok ang pangyayari. Napatay niya ang lalaki na hindi sinasadya.

Nagulantang ang dalawang lalaki sa nasaksihan.

"May sa demonyo pala itong babaeng ito eh."

Gulat na gulat si Cindy sa nangyari. Tiningnan niya ang mga palad na umuusok sa lamig. Hindi niya maintindihan kung paanong... Naramdaman niyang hinawakan siya ng isa pang lalaki.

"Ano'ng ginawa mo!" sigaw ng lalaki. Ngunit paghawak nito sa kamay ni Cindy ay gumapang din ang yelo mula sa kamay nito patungo sa kanyang buong katawan.

Nakita ni Cindy kung paano sumigaw at napangiwi ang lalaki sa sakit habang dumadaloy ang yelo papunta sa kanyang leeg. Hanggang sa natahimik na ito at nagyelo na rin ang buong mukha. Nagulat si Cindy sa nangyari at agad na inalis ang matigas na kamay ng lalaking kanina ay nakahawak sa kanya. Gaya ng naunang lalaki ay bumagsak ito sa sahig at nabali ang mga nagyelong kamay nito.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Tama ba itong ginawa niya? Pero hindi niya ito sinasadya. Kusang dumaloy ang lamig mula sa kanya patungo sa mga salaring hayok sa laman. Hindi siya ang nag-umpisa nito. Hindi siya ang pwedeng sisihin. Sa kabilang banda hindi niya maintindihan kung paano, kung ano ang nangyayari sa kanya. Tiningnan niya ang mga palad. Umiiling siya. Hindi niya gusto ito. Sinulyapan niya ang dalawang basag na katawan sa sahig. Kinilabutan siya sa tanawin, tanawing nagpatindig ng kanyang balahibo. Napaatras siya habang sapo ang bibig. Hindi niya alam kung masusuka o mahihimatay. Napahawak siya sa dulo ng higaan habang napapaiyak.

Nataranta si Nanding. Sa taranta nito ay hindi pa nito naiangat ang pantalon. Hinanap nito ang kanyang baril.

Napansin ng babae ang naiiwang buhay na lalaki sa silid na iyon. Halata sa kilos ng lalaki ang pagkataranta. Alam niyang babarilin siya nito. Lumapit ito sa kanya, iniwasan ang mga nagyeyelong basag na katawan ng kasama sa sahig. Hawak nito ang baril sa isang kamay, ang isang kamay naman ay pilit tinataas ang pantalon nito.

"Bitiwan mo yan!" matigas na saad ni Cindy.

Nanginginig ang kamay ng lalaking nakahawak sa baril na nakatutok kay Cindy. "Anong klaseng halimaw ka?" Nanlilisik ang mga mata nito.

Naghalo ang ngitngit at taranta sa babaeng muntik nang magahasa. Tinitigan niya ito. Naalala niyang muntik na nitong maipasok ang ari niya sa kanya. Lumakas ang kabog sa kanyang dibdib. Hinawakan niya ang kamay ng lalaki. Nabitawan ng lalaki ang baril. "Manyak ka. Ito ang bagay sa iyo." Binalot ni Cindy ang matigas pa ring ari ng mama sa kabilang kamay. Dinig niya ang pangingisay ng lalaki habang nagyeyelo ang ari nito. Pinutol ni Cindy ang nagyeyelong ari at pinakita ito sa lalaki. "Ito ba ang pinagmamalaki mo?" Hinulog ni Cindy ang bagay na iyon sa sahig at inapakan. Nabasag ang bagay na iyon. Nang ibalik niya ang titig kay Nanding, mangiyak-ngiyak ito at nanginginig.

"Hayop ka! Papatayin kita!" Sinunggaban ng lalaki si Cindy at agad na sinakal ito nang mahigpit.

Hindi makahinga si Cindy at tila mababali na ang mga buto niya sa leeg. Hinawakan niya ang mga bisig ni Nanding. Ilang saglit pa lang ay sumigaw ito at binitawan ang leeg ng dalaga. Hinabol ni Cindy ang kanyang paghinga. Nakita ni Cindy na nanlalaki ang mga matang tiningnan ni Nanding ang mga bisig. Naging kulay lila ang mga kamay nito, marahil bunga ng pagkakatigil ng suplay ng dugo papunta sa mga kamay niya.

"Ano'ng klaseng demonyo ka!" Nakadilat sa kanya ang napangiwing lalaki.

Dahil sa galit ay hindi na napigilan ni Cindy na hawakan ang mukha ni Nanding. "Mas demonyo ka!" Agad na nagyelo ang mukha nito at ang buo nitong katawan. "Kayo ang nag-umpisa nito!"

Nang makita ang mga nagyeyelong basag na katawan ng tatlong tao sa loob ng silid na iyon ay biglang nahimasmasan ang dalaga. Tiningnan niya ang kanyang mga palad. "Ano'ng nangyayari sa akin?" Napaiyak si Cindy sa kalituhan at takot. Lumabas ito ng bodega. Doon niya lamang napansin ang isang bahay sa di kalayuan na halos lamunin na ng punong acacia. Sa tingin niya ay walang tao iyon dahil walang nakasinding ilaw sa labas.

Ilang minuto ng naglalakad si Cindy sa hindi pamilyar na lugar na iyon na malayo sa lungsod nang makaramdam siya ng pagkahilo marahil sa gutom at pagod. Bumagsak ito sa lupa.

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon