Kung may isang bagay na natutunan si Diana sa pagiging isang secret agent na ipinagpapasalamat niya sa ngayon ay ang pagbukas ng mga nakalock na pinto. Ilang beses niyang pinihit ang unlocking device na iyon na binaon niya mula sa pagiging isang ISA agent. Ilang pihit pa sa doorknob at bumukas ito. Tumambad ang madilim na silid ng kanyang ate.
Marahan niyang sinarhan ang pinto. Dama niya ang kakaibang pakiramdam sa loob ng silid na iyon na nakakapanindig balahibo. Dama niya ang hindi kaaya-ayang enerhiya doon. Napatingala siya sa malaking portrait ng kanyang nasirang ama. Masyado pa siyang bata noong mawala ito kaya naman hindi siya masyadong apektado sa pagkamatay nito. Alam niya man ang kwento ay minabuti niyang ibaon na iyon sa nakaraan.
Sa ngayon may kailangan siyang makita. "Ano ang tinatago mo dito, ate?" Ginala niya ang tingin sa madilim na silid. Binuksan niya ang drawer sa mesang nasa gilid. Inilawan niya ito gamit ang kanyang cellphone. May mga iilang financial records. Binuklat niya ang ilan sa mga ito, at napatigil siya sa iilang bahagi nito habang nakakunot ang noo. Sinarado niya ang drawer at ginalang muli ang tingin.
Napadako ang tingin niya sa book shelf. Noon pa siya nagtataka kung bakit may mga libro ang ate niya sa silid. Hindi niya alam na mahilig na pala itong magbasa ng mga libro. Ang mas nakapagtataka pa ay hindi tungkol sa medisina ang mga libro. Kung anu-anong libro ang nandoon, isang bagay na nagbigay kay Diana ng labis na pagtataka. Sumilip siya sa likod ng book shelf hanggang sa may mapansin sa dingding.
Nagdadalawang-isip si Diana, ngunit pinindot rin ang kwadradong bagay na iyon. Napaatras siya nang dahan-dahang bumukas ang dingding. Inilawan niya ang sekretong silid at tumambad sa kanya ang iba't-ibang kakatwang bagay at artipakto. May mga garapong may lamang kung anu-ano. May malaking kawa sa isang sulok. May mga kandila sa sahig na halatang gamit. May abo sa sahig na korteng pentagono.
Dahil kinilabutan siya sa nakita ay agad niyang sinarado ang sekretong silid at umalis sa kwarto ng kanyang ate. Balisa siyang nanatili sa hardin kung saan siya nanigarilyo upang maibsan ang tensiyong naramdaman. Hindi niya alam kung kokomprontahin ang ate o hahayaan ito. Alam niyang hindi niya madidiktahan ito.
"Malalim yata ang iniisip mo."
Napaigtad siya sa narinig na boses. "Dad," saad niya, "aren't you supposed to be resting?"
"Sa totoo lang ayoko na masyadong manatiling nakahiga. Mas gusto ko magliwaliw," saad ni Don Mariano na nakaupo sa wheelchair. Nilingon nito ang kanyang private nurse. "Iwan mo muna kami." Lumingon itong muli kay Diana at ngumiti. "Hindi ko man lang namalayan ang inyong pagtanda."
"Dad, I'm still 25."
Tumango si Don Mariano at tumingin sa malayo. "Was I a good father to you?"
"You're the only dad I have." Bumuga si Diana ng usok. Hindi na niya alintana na bawal mausukan ang kanyang step-dad.
"Hindi mo sinagot ang tanong. But it's okay. I understand. Maybe I was too busy with business when you were younger."
"It's okay, dad. We all had to do our thing. Kung di ka rin naman nagpakapagod sa negosyo ay baka di rin namin natamasa ni ate lahat ng ito."
"Your sister, she's different."
Hindi malaman ni Diana ang sasabihin. Ibubunyag ba niya ang nalalaman o ililihim muna hanggang may sapat siyang katibayan? Napalalim ang hithit niya sa sigarilyo. Tumango siya. "Yup, dad. She was always odd."
"She never liked me." Ngumiti si Don Mariano. "Noon pa man ay malayo na ang loob niya sa akin."
Nag-isip si Diana ng akmang sasabihin, ngunit binigo siya ng kanyang utak.
"Diana, what do you think about running a company?"
Napalingon si Diana sa ama. "I can't run a company, dad."
"Magkapatid nga kayo ni Sandy. You both don't have a knack for business."
"Not that I don't have the knack, dad. I have my own art shop. It's not that big. The thing is, I can't handle your pharma business. Wala naman akong alam sa mga gamot o sa mga kemikal. Ate can..." Oo nga pala. May hindi ginagawang maganda ang ate niya sa kompanya. Kung sasabihin ito o hindi ay nagdadalawang-isip pa siya.
"But you can learn."
"Not sure I can or I want to."
Nakapikit at nakayukong tumango si Don Mariano. "It's okay. Kung ganon ay wala na akong magagawa kundi ibenta ang kompanya."
"Bakit, dad?"
"Tagilid na ito." Malungkot ang mukha ng matanda. "Sandy can't handle it."
"Dad..." Hindi maituloy ni Diana ang sasabihin.
"I'm telling you this para kahit papaano ay alam mo. Wala na akong magagawa kung wala sa inyong dalawa ni Sandy ang interesado sa kompanya."
"Dad, I'm sorry." Tinapon ni Diana ang upos na sigarilyo sa ashtray.
"It's okay."
Nahahabag man si Diana sa kalagayan ng ama ay wala rin siyang magawa dahil nangako silang dalawa ni Cassandra sa kanilang nasirang ina na panatilihing lihim sa kanilang ama ang kanilang mga kakayahan. "Dad, I'll take you back to your room."
"No, I'm going somewhere."
Biglang lumapit ang isang lalaki sa kanila. "Don Mariano, handa na po ang sasakyan."
"San ka pupunta, dad?"
"I haven't heard from one of my few trusted people in the company. I want to know what's going on."
Wala ng nagawa si Diana kundi tumango. Ilang bagay ang bumagabag sa kanyang pag-iisip. Alam na kaya ng ama niya ang kalokohang ginagawa ng ate niya sa kompanya? Bukod pa diyan ay mas lumakas pa ang kutob niyang ginagamit ng ate niya ang kapangyarihan niya sa mga hindi kaaya-ayang bagay, at kailangang malaman niya kung ano ang mga ginagawa nito.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...