Chapter 30

3.1K 142 20
                                    

Habang nasa gitna ng byahe ay naalala ni Ivan ang ina. Inasam niyang sana ay tumigil pa ito sa bahay nila, ngunit ganoon talaga ang ina, minsan hindi niya maarok ang timpla. Inisip niyang sana ay bumisita ulit ito sa bahay nang makapagkwentuhan naman sila nang mas matagal.

Sumagi din sa isip niya ang mga katakatakang karanasan na ipinagkibit-balikat na niya rin, dahil kahit ano'ng taimtim ang pag-iisip na gawin niya hindi niya naman rin mapaliwanag sa sarili.

Sumagi din sa diwa niya si Diana. Hindi maikakaila ni Ivan na tila nagkakagusto na siya sa babae. Sinong lalaki ba naman ang hindi? Pero bigla ring sumagi si Errol sa isipan niya. Kamusta na kaya siya? Apat na buwan na niyang hindi nakikita at nakakausap ito. Nagi-guilty pa rin si Ivan sa kinahinatnan ng kanilang pagkakaibigan ni Errol. Inaako niya ang kasalanan. Pero gusto niya pa rin itong makausap. Gusto niyang makahingi ulit ng tawad. Ngunit paano? Hindi niya ito makontak. Wala na rin ang bahay nila sa Sampaloc. Tiyak galit sa kanya ang mga magulang ni Errol.

Nababahala din siya sa magiging reaksiyon ni Erik kapag nalaman niya ang ginawa niya kay Errol. Pero wala na siyang magagawa. Nangyari na ang mga nangyari. Napabuntong-hininga na lang siya habang nagmamaneho.

Mataas na ang sikat ng araw ng makarating siya sa Laguna. Binati siya ng tanawin sa lalawigan na ibang-iba sa Maynila. Sa Paete ay tanaw niya ang payak na pamumuhay ng mga taong nabubuhay sa paglililok at pagpipinta. May mga nadaanan siyang mga wood carving shops. Bigla niya naalala si Diana. Tiyak magugustuhan niya ang lugar na ito. Maliban sa mga malilikhaing gawain ay pinag-uukulan din ng panahon ng ibang Paeteños ang pangingisda at pagsasaka. Pagdating sa lupaing sakahan ay pinagmasdan niya ang malawak na lupaing binalot ng luntiang palayan. Sa malayo ay tanaw niya ang mga bukirin at ang mga puno ng niyog.

Binati siya ng katiwala niya. "Ser, magandang umaga po. Bakit di po kayo nagpasabi na pupunta kayo rito? Sana nakapaghanda kami."

"Mang Carding, sinadya ko po talaga na surpresahin kayo." Tumawa si Ivan na nakasuot ng sunglasses.

"Ser, hindi pa ba kayo nag-aasawa?"

"Marami pa pong inaasikaso."

"Ser, baka may mapili kayo sa isa sa mga nagtitiliang kababaihan dito." Tinukoy ni Mang Carding ang mga babaeng nasa gilid ng irigasyon sa di kalayuan na nakatingin sa kanya.

"Mang Carding, may lalaki din pong tumitili eh."

Natawa naman si Carding. "Matinik ka kasi, ser. Pati mga lalaki nahuhumaling sa'yo."

Biglang sumagi si Errol sa isipan ni Ivan. "Kamusta na po ang farm? Okay ba ang mga pananim?"

"Nako, ser, yun nga. Medyo pineste noong nakaraang buwan, pero naagapan naman."

"Malaki ba ang nasira?"

"Hindi naman. Tingin ko may kikita naman siguro sa ani sa dalawang buwan kahit papa'no."

"Problema pa rin ba ang nakawan ng ani?" tanong ni Ivan habang nakapamulsang naglalakad papunta sa sakahan kasama ang katiwala.

"Problema pa rin, ser. Magdadagdag ba tayo ng mga bantay?"

"Sa susunod na buwan na lang kapag malapit na ang ani."

"Sa bahay ka na lang mananghalian, ser. Magpapahanda ako."

"Sige po. Salamat!"

Pagkatapos ng pananghalian ay inikot nina Mang Carding at Ivan ang farm. Pinasyal din ni Mang Carding si Ivan sa kanilang orchard. Alas tres na ng hapon nang magpasya si Ivan na umuwi.

"Ser, kailan po uli kayo bibisita dito sa Paete?"

"Magpapasabi lang ako, Mang Carding. Maraming salamat po sa mga mangga," saad ni Ivan habang tinitingnan ang isang basket ng mangga na pinasok ni Mang Carding sa likod ng kotse niya.

"Pupunta ba kayo dito sa ani o mag-aabang na lang kayo sa bigasan ninyo sa Maynila?"

"Kung may panahon ako, pupunta ako dito sa ani para naman matingnan ko. Kung hindi baka nga dun na lang ako mag-aabang sa bigasan."

"Kayo pa rin po ba ang namamahala doon?"

"Oo, ako pa rin. Di na kaya ni mama kasi may ibang business pa si dad."

"Ah, sige ho. Ingat na lang sa byahe, ser."


----------------

P.S. Mahanap kaya ni Dane telepathically ang dahilan ng massive blackout noong February 10 (2015 sa timeline nila)? Abangan this weekend. 

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon