Habang nasa rooftop ng gusali kung saan naroon ang kompanyang pinamamahalaan ng kanyang ate ay tanaw niya ang mababang araw at ang mga katabing gusaling nasisinagan ng madilaw na liwanag. Dama ni Diana ang hanging tumatama sa kanyang pisngi at nagpapagalaw sa kanyang kulot na buhok. Ginugulo ng hangin ang mga laso sa kanyang suot na damit at ang kanyang saya. "Are you sure about this?"
"This is what I went here for," sagot ni Dane habang nakakunot ang noong nakatingin sa maaraw na kalangitan. "Besides, I only have one day."
"Isn't it too hard on your brain?" Nakapamewang si Diana habang ang nakatagilid ang ulo sa kausap. Nag-aalala siya kahit papaano.
Umiling ang binatang banyaga. "I don't think so."
"Have you done this before?"
"Not really." Ngumiti ang binata.
"Then it could hurt you." Lumapit si Diana dito at sumimangot.
"That's why you're here."
"But..." Hindi maituloy ni Diana ang sasabihin. Nakita niyang tinanggal ni Dane ang kanyang suot na sombrero at inabot ito sa kanya.
"Wear this."
Tinanggap ito ng dalaga na may pag-aalinlangan. Tiningnan niya ang loob nito at nakita niya ang mga electrodes sa loob. "These things are disgusting."
"They keep me from having to focus on controlling my powers all the time." Inayos ng lalaki ang buhok. "You know, right?"
"I thought you already learned how to control your powers without this." Umismid ang dalaga habang winawagayway ang knit hat.
"Yes. It's just for caution. With that, I have zero chance of accidentally reading someone's thoughts. I want you to wear it."
Tumango si Diana. "I know. I know. Rod wants you to wear it." Sinuot na niya ang sombrero.
"That's why I don't trust him."
"I know, and you know I feel the same way."
"The only difference is you can afford to live without him." Pinasingkit ni Dane ang mga mata habang nakatanaw sa malayo. "David and I can't."
Sandaling lumingon si Diana sa kausap at pagkatapos ay ginala ang tingin sa paligid. "Sooner or later you'll have to figure out how to live on your own."
"We're actually planning to go back to college. This isn't the kind of life I want to live for the rest of my life."
Tumango si Diana at sandaling yumuko upang mag-isip ng akmang tugon. "Doesn't David like the job?"
"He's pretty much fixated on it." Binulsa ni Dane ang mga kamay.
"Among us, he was the most enthusiastic."
"He loves the job. Gets excited every time we go on a mission."
"But you can't leave him, right?" Ngumiti si Diana habang nakatingin sa malayo.
Tumawa nang payak ang banyaga. "We have frequent fights, but we still care about each other. I can't leave him with Rod. Besides, that guy misses me right away." Kinuha niya ang cellphone, binuksan ito, at ngumiti. "He's been sending me messages since I left."
"You guys can't be any mushier."
"No." Tumawa si Dane.
Sandaling katahimikan ang namayani habang ginagala ng dalawa ang mga tingin. Maya-maya pa ay nagsalita na rin ang banyaga.
"It's time."
Hinawakan ni Diana ang bisig nito. "Be careful." Nakita niyang ngumiti ito at pagkatapos pumikit. "What are you doing?"
"Be quiet. I'm trying to scan thought signatures in the area." Hindi gumalaw ang binata.
"What thought signatures?"
"I'm looking for people who know what happened that night when Manila lost contact with the world. Now be quiet."
At tumahimik na si Diana. Pinagmasdan niya ang maamong mukha ng banyagang kaibigan na tinamaan ng ilaw ng palubog na araw. Humahanga siya sa itsura nito. Kanina habang naglalakad sila sa baba ay panay ang sulyap sa kanila ng mga tao.
Ilang minuto ang lumipas nang biglang kumislot ang mga kamay ng binata. Bahagya rin itong napakunot ng noo. Ngunit tahimik lang na nanood si Diana, nagdadalawang-isip kung lalapit o mananatili sa kinatatayuan.
Maya-maya pa ay nakita niyang napadaing ito sabay hawak sa mga sentido at ngumiwi. "Dane..." Lumapit si Diana dito. "Stop, Dane. Stop! It's hurting you." Nataranta na ang dalaga habang niyuyugyog ang braso ng banyagang telepath.
"Be quiet, Diana!"
Umatras si Diana na nakakunot ang noo, ngunit labis ang kanyang pagkabahala sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng kaharap.
"I found one of them. She's near!" Kita ang tensiyon sa mga panga ng binata habang nakapikit ito at napayuko habang dinidiin ang mga daliri sa sentido. "I'm trying to" -- dumaing muli si Dane -- "scan her memories."
Wala nang magawa si Diana kundi masdan ang telepath na nahihirapan.
"She cast a spell that plunged your city into darkness."
Kinabahan ang dalaga dahil... Dahil isang tao lang ang kilala niyang may kakayahang kontrolin ang dilim at gumawa ng spells.
"There's an old, unkempt man... He confronted her." Lumalabas na ang mga ngipin ni Dane habang kunot-noong dinidiin ang mga kamay sa kanyang sentido. Kita sa mukha niya ang hirap. Lumalakas ang mga daing nito. "A dark force is trying to stop me."
"Dane, stop." Lumapit muli si Diana sa kanya.
"She's trying to resist. The feedback is so strong! Aaargghhh..." Bumagsak ang mga tuhod ng banyaga at napahawak ito sa semento habang nakapikit pa rin at ngumingiwi. "A dark, lethal force is trying to fend me off. It's too strong!"
Nagulantang si Diana nang makitang umitim ang mga mata ni Dane nang dumilat ito. Nakita niya ang hirap sa kanyang mukha habang tila ay nilalabanan ang pwersang iyon na tila ay nais sumaklob sa kanya. "Stop, Dane." Nataranta na ang dalaga at muling niyugyog ang binata. "Dane! Break the connection!"
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...