Chapter 17

2.9K 167 8
                                    

Nang makarating sila ng Rizal Park ay mababa na ang sikat ng araw at halos papalubog na ito. Ang ganda tingnan ng paligid na nabibilad sa naninilaw na liwanag na nanggagaling sa papalubog na araw. Biglang may napansing pamilyar na babae ang kasama ni Errol.

"Ate Elizabeth!" sigaw ng nakasalamin sa babaeng naka-gray na chaleco at maikling shorts.

Biglang napalingon kina Errol ang babaeng may hawak na camerang may mahabang lenteng nakatutok sa monumento ng pambansang bayani. "Hi!" masiglang sigaw nito na napalaki pa ang mga mata. "Pero please just call me Ate Liz."

Lumapit ang dalawa sa babae, at nagsalita ang nakasalamin. "Photo excursion again, ate?"

"Boring kasi sa bahay. Introduce me to your friend naman," saad ng babae na ngumiti kay Errol.

Ngumiti na rin si Errol dito.

"This is," saad ng nakasalamin na nakaturo ang kamay kay Errol. Ngunit tumigil ito, kumunot ang noo, at ngumiti. "Wait, hindi ko pa nga pala nahihingi ang pangalan mo."

"What?" nakairap na tanong ng babae sa nakasalamin habang nakapamewang ang isang kamay at nakahawak sa camera ang isang kamay.

Biglang tinanong ng lalaki si Errol. "Ano nga pala ang name mo?" Natatawa ito. "Grabe! Kanina pa tayo nag-uusap pero hindi pa pala natin alam ang pangalan ng isa't-isa."

"Errol," natatawang saad ni Errol. "Ikaw, pangalan mo?"

"Errol?" singit na tanong ni Liz, ngunit hindi yata siya napansin ng dalawa.

"Jansen," masiglang sagot ng nakasalamin.

"So you got yourself a new friend," saad ng babae kay Jansen.

"Ganon talaga. We meet interesting people unexpectedly," sagot ni Jansen sa babae at pagkatapos ay lumingon kay Errol. "Errol, ito si Ate Liz, a blogger, a photographer, an entrepreneur, and an LGBT advocate."

"Nice to meet you po," saad ni Errol na nakipagkamay dito.

"Po? Please! I'm only 28."

"Ah, sorry, sorry," saad ni Errol.

"Wait," saad ni Liz na lumapit kay Errol. "You look familiar."

Nagtaka naman si Errol.

"Wait a minute." Naniningkit ang mata ni Liz na nakatingin kay Errol.

"Bakit, Ate Liz?" tanong ni Jansen na nagpalit-palit ang sulyap kina Errol at Liz.

"Never mind," kaswal na saad ng babae.

"So ano'ng kinukunan mo ng larawan, ate?" tanong ni Jansen.

"Obvious ba?" sagot ng babae.

"Panira talaga ng view 'yang building sa likod niya," saad ni Jansen.

"Well, it's a challenge for us photographers. Kapag halimbawa ganitong kukunan mo siya ng larawan gamit ang telephoto lens, nahahagip 'yung building sa likod sa field of view mo. So nakakabwisit siya. Kung kukunan mo siya in wide angle" -- pinalitan ni Liz ang lente ng hawak na camera -- "mahahagip pa rin ang building pero mas maliit. Pero kahit na panira pa rin siya sa view."

"Oo nga eh. Dapat hindi na pinayagang ipatayo 'yan, eh!" saad ni Jansen.

"Kailangang kunan siya sa ibang angulo para di masali 'yung building sa larawan," saad ni Liz habang kinukunan ng larawan ang lugar.

"This is what she does," saad ni Jansen kay Errol. "Minsan gumagala 'yan to take pictures. Forte niya ang street at portrait photography."

"Ganun ba?" inosenteng tanong ni Errol. "Ang galing!"

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon