Chapter 68

2.9K 139 15
                                    

Ayoko pa sana mag-update, pero naisip ko masisira ang momentum ng feels kapag pinatagal ko pa ito. Pwede ninyong balikan ang mga nakaraang chapters para makuha niyong muli ang sense of continuity. Next week na muli ako magpopost.

Ihanda na ang tisyu. 

---------------

"Erik?" Tuwang tuwa si Errol nang makita ang lalaki. Nang humarap ito ay nakita niya ang malawak nitong ngiti.

"Rol!" Bakas sa mata ni Erik ang sigla. Agad niyang nilapag ang mga dala sa mesa at mabilis tinungo si Errol. Hinalikan niya ito sa noo.

"Sabi ng doktor ay makakalakad daw ako nang maayos after mga 6 months."

"Ang tagal pala. Ano'ng sasabihin ko kina Tita Celia?" Umupo si Erik sa tabi ng kama.

"Wag mo muna ipaalam." Tumingin sa kawalan si Errol.

"Pero dapat malaman nila ito." Hinawakan ni Erik ang kamay ng kaibigan.

"Ako na bahala." Binalik ni Errol ang tingin kay Erik at ngumiti. "Kamusta ka na?"

"Okay lang ako." Ngumiti din si Erik. "Ikaw ang kamusta na? Ano'ng nararamdaman mo?"

"Medyo mahina pa." Unti-unting nawala ang ngiti ni Errol habang nakatingin sa kawalan.

Pinisil lang ni Erik ang kanyang kamay at nilaro-laro ito.

"Akala ko kasi mamatay na ako. Akala ko magkikita na kami ni lolo at ni Ivan." Nararamdaman ni Errol ang pag-anghang ng kanyang mga mata at ang pagsikip ng kanyang lalamunan.

"Hindi ka pa pwedeng mamatay. May misyon ka pa."

"Hindi ko dapat misyon ito. Ano pa ang magagawa ko sa ganitong kalagayan ko?"

"Magtiwala lang tayo." Pinisil ulit ni Erik ang kamay ni Errol na ngumiti sa kanya.

"Salamat, Erik. Salamat."

"Akala ko mawawala ka na." Biglang humikbi si Erik

"Wag kang umiyak. Maiiyak din ako eh."

"Rol," -- hinalik-halikan ni Erik ang kamay ng kaibigan -- "akala ko talaga mawawala ka na."

"Akala ko din." Nagtatakang tiningnan ni Errol si Erik habang hinahalikan nito ang kamay niya. "Pero salamat sa inyo ni Kuya Bryan. Teka, nasa'n na siya?"

"Umalis, may aasikasuhin daw."

"Kamusta na sina Tita Sol?"

"Okay lang naman."

"Hindi ba sila nagtaka sa ayos mo nung umuwi ka?"

"Nagtaka nga. Akala nila napaaway ako."

"Ano'ng sinabi mo?"

"Sabi ko lang naaksidente ako."

Sandaling tumahimik si Errol. Hindi niya matagalan ang titig ni Erik. Ilang bagay ang tumakbo sa kanyang isipan tulad ng... "Bakit hiniwalayan mo si Shanice?" Naramdaman niyang hinigpitan ni Erik ang hawak sa kamay niya. "Di ba mahal mo siya?"

"Pinakawalan niya ako."

Muling iniwasan ni Errol ang mga titig na iyon. "Bakit?"

"Errol, mahal kita."

"Mahal din kita. Best friend kita eh." Nagulat si Errol nang masuyong halikan ni Erik ang kamay niya. "Erik?"

"I love you, Errol."

"Erik," saad ng nakaratay na pasyente na umiba ng tingin, "hindi ito ang tamang panahon para magbiro."

"Hindi ako nagbibiro."

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon