Chapter 43

3.1K 157 43
                                    


The hardest thing about writing a story, more than ensuring perfect grammar and formatting, is making sure everything makes sense. The thing that really bothers me is not whether I get people to actually read what I've created or whether I catch every error, but whether I satisfy the few ones who devoted time to read what I have written. 


jcorpz, if you're out there somewhere, magparamdam ka naman. Haha


* * *


"Lo, nasa'n si lola?" tarantang tanong ni Errol. Nakabalik na sila sa loob ng kanyang inuupahang silid.

"Hindi siya sumama." Yumuko si Melchor. "Hinawakan ko siya. Ngunit kumalas siya. Nagpaiwan siya upang iligtas tayo."

Biglang nasiglapan ni Errol ang loob ng barong-barong ni Magda. Hindi ito isang pangitain ng hinaharap sa tingin niya. Isa itong pangitain ng kasalukuyan. Wala na si Cassandra sa tahimik na barong-barong. Nakita niya si Magda na nakabulagta. Nakabukas ang kanyang matang nakatingin sa kawalan. Wala na itong buhay. Bumalik ang diwa ni Errol sa kanyang silid. Naghihimutok ang kanyang lolo sa isang sulok. "Lo, wala na... Wala na ang lola."

"Alam ko. Alam ko," mahinang tugon ni Melchor.

"Lo?" Nagdadalawang-isip si Errol na magtanong. Alam niyang labis ang kalungkutan ng kanyang lolo. "Lo, ano'ng gagawin natin?" Ngunit ilang minutong tahimik ang kanyang lolo sa sulok. Dinampot na lang ni Errol ang kanyang cellphone. Nakailang tawag pala sa kanya si Bryan. "Ano kaya ang nangyari kay Ate Cindy?"

"Errol, makinig ka." Nakatingin lang si Melchor sa sahig.

Lumingon si Errol.

"Kailangan mong magpakatatag."

"Ano'ng ibig ninyong sabihin?"

"Gaya ng narinig mo kanina, hindi ako ang tatapos ng labang ito. Hindi ko na aabutin ang dulo nito."

"Lo!" Nagkamot si Errol ng ulo at napaupo sa gilid ng kanyang kama. "Bakit ba kasi ako nadamay dito?"

"Nasa tadhana mo na ito."

"Hindi ko ito ginusto, lo!" Balisa pa rin si Errol.

"Apo, kailangan mong maging matatag. Nakasalalay sa iyo ang buhay ng maraming tao."

"Paano ko lalabanan si Cassandra? Wala akong kapangyarihan na kagaya sa inyo. At naaalala niyo ba ang mga panaginip ko na papatayin ako ng isang babae?"

"Malamang babala ang mga panaginip na iyon kagaya ng pangitaing nakita ninyo kanina ni Magda."

"Ano'ng ibig ninyong sabihin?"

Tumayo si Melchor. "Hindi nakaukit sa bato ang hinaharap. Pwede natin itong baguhin. Nasa ating mga kamay ang kapangyarihang lilukin ang ating tadhana."

"Ibig sabihin mapipigilan pa natin ang pagkamatay mo, lo."

"Apo, mahina na ang lolo. Hindi ko na kaya pang makipaglaban. Matanda na ako. Nararamdaman kong malapit na ang aking katapusan."

"Lo, wag kayong magsalita ng ganyan. Hindi niyo man lang muna ba dadalawin si nanay?"

"Hindi na kailangang malaman ni Celia na buhay ako. At mas makabubuting wag mo muna silang dalawin para sa kanilang proteksiyon."

"Pero magpapasko na."

Sandaling katahimikan...

"Hindi ako pwedeng magtagal dito."

Enchanted Series 2: Ang Supling ng LiwanagTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon