Naka 20k reads na tayo. Bongga! Salamat.
Sa mga friends ko sa Facebook na nawiwindang sa mga posts ko, ganun talaga ako. I have strong convictions, and I stand by them. Magkakaiba man tayo ng opinyon, iisa lang naman ang gusto natin, ang mapabuti ang kalagayan ng bansa at nating lahat.
Okay, without further ado, ito na si Diana.
Point out niyo lang kung may typos o mga bullsh*t na errors. Di ko na maproofread nang maayos kasi antok na. Alas kwatro na di pa ako natutulog dahil sa werk. Update ulit ako sa Friday.
------------
Tatlong gabi na ang nakalipas mula ng makita ni Diana si Ivan sa silid ng ate niya. Ano'ng nangyari sa kanya? Bakit siya nabaril noong gabing 'yon? Sino ang bumaril sa kanya? At paano siya natagpuan ng ate niya? Hindi niya alam kung tama bang hinayaan niya ang kaibigan sa ate niya. Ang sabi ng ate niya kinaumagahan noon ay nakaalis na daw ang binata. Ngunit hindi niya ito makontak.
"Kailangang malaman ko kung saan mo dinala si Ivan, ate." Muli siyang naghalungkat sa kwarto ng ate niya. Nakapagtataka -- o hindi -- na ganoon pa rin ang itsura ng silid nito mula noong huli niya itong nakita.
Napaigtad ito nang tumunog ang landline sa tabi ng nakasarang laptop. Nagdadalawang-isip siya kung sasagutin o hindi. Naghintay siya ng ilang segundo. "Hello."
"Cassandra, where are you?" tanong ng isang lalaki sa kabilang linya. Mahina ang kanyang boses at mabagal ang kanyang pagsasalita. "I need your help."
Nilayo ni Diana ang telepono at lumunok. Pilit niyang ginaya ang timbre ng boses ni Cassandra. "Who is this?"
"It's Lucio. I'm at" -- suminghot ito -- "a hospital. Ilang beses na kitang ... tinatawagan pero ... di ka sumasagot."
"What happened?"
"Puntahan mo" -- tila humugot ulit ito ng hininga -- "na lang ako."
"May pupuntahan pa ako."
"Darling, I need you here. Makakahintay naman yang mga plano."
"I have to go."
"I have broken bones all over." Tila ay humihikbi ito. "Don't you care about me?"
"I'm sorry, Lucio, but --" Hindi malaman ni Diana kung ano ang dapat maramdaman. Hindi naman niya kilala ito.
"Are you still mad that I shot him?"
Biglang sumagi sa isipan niya si Ivan. Malamang ang taong kausap ang bumaril dito. Pero hindi siya sigurado. Gusto niyang bulyawan ang kausap, ngunit mas mahalagang huminahon. Habang nag-iisip siya ng isasagot ay muling nagsalita ang kausap.
"I did everything you asked. Tapos ito igaganti mo." Muling humugot ng malalim na hininga ang kausap.
"Everything I asked?"
"Your terroristic ploys." Rumirehistro sa earpiece ng telepono ang mga paghinga ni Lucio.
"Lucio, I'll be there after I'm done looking for my..." Muntik na niyang masabing hinahanap niya ate niya.
"I'll deploy all my men left para tulungan kang hanapin ang dalawa pang may hawak sa mga hiyas." Dumaing ito. "Puntahan mo muna ako dito, please! I need you."
Mga hiyas? Kinabahan si Diana. Naalala niya ang madalas ikwento ng ate niya noong teenagers pa sila. Nag-isip siya ng isasagot. "I said I have to go."
"Go where? Sa hideout mo?"
"Hideout?"
"Cut the crap... Sa luma ninyong bahay. That old rut..."
Napadilat si Diana sa narinig. Binagsak niya ang telepono at mabilis na tinungo ang garahe. Laking dismaya niya nang makitang butas ang mga gulong ng tatlong sasakyan sa garahe. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay upang maghanap ng taxi.
BINABASA MO ANG
Enchanted Series 2: Ang Supling ng Liwanag
FantasyHighest Ranking #9 in Paranormal Synopsis: Si Errol na ang susunod na tagaingat ng mga hiyas. Subalit paano niya gagampanan ang tungkulin gayong bukod sa kanyang alinlangan sa katotohanan ng mga isinaad ng kanyang lolo ay may pinagdadaanan din siya...